Annabelle doble ang pinagluluksa
Jun Lalin (Pang-masa) - January 12, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Dobleng lungkot ang nararamdaman ngayon ni Annabelle Rama.

Ipinagluluksa pa lang ni Bisaya ang pagkamatay ni Kuya Germs noong Friday, nito namang Sunday, namatay ang uncle niyang si Mr. Napoleon Rama.

Kilala sa newspaper industry si Tito Nap (paboritong tawag sa kanya ni Bisaya) dahil dati siyang publisher ng Manila Bulletin.

Martin, Regine, Erik at Angeline, walang ilangan factor

Ang pictorial noong Sunday nina Martin Nievera, Angeline Quinto, Erik Santos at Regine Velasquez-Alcasid para sa Royals concert nila.

Mabilis na natapos ang pictorial dahil very cool lang ang lahat.

Sanay na silang apat sa bawat isa, kaya namang walang ilangan.

Ang maganda sa Royals concert sa MOA Arena sa February 13 ay pare-parehong excited sina Martin, Angeline, Erik at Regine rito.

Lahat sila ay may ideas na kino-contribute sa lalong ikagaganda ng Royals.

Kuya Germs malaking kawalan sa mga Marcos

Among the politicians, mas may karapatan si Sen. Bongbong Marcos na pag-usapan ang yumaong Master Showman na si German Moreno.

Malapit si Kuya Germs sa pamilya Marcos. Nanay-nanayan ng ti­naguriang star builder ang dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos.

Kulang na lang ay i-legally adopt si Kuya Germs ng pamilya ni da­ting Pres. Ferdinand E. Marcos para maging ganap na Marcos na rin.

Sobrang loyal ni Kuya Germs sa pamilya ni Bongbong.

Sa pagkamatay nga ni Kuya Germs ay parang namatayan na rin ng kapamilya ang mga Marcos!

ACIRC ANG ANGELINE QUINTO ANNABELLE RAMA BISAYA BONGBONG MARCOS ERIK ERIK SANTOS FERDINAND E FIRST LADY IMELDA ROMUALDEZ-MARCOS KUYA GERMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with