Yaya Dub iniwan, Jake bumalik na ng Singapore!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 11, 2016 - 9:00am

May mga inquiry kay Jake Ejercito mula nang umapir siya sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Marami ang interesado na imbitahan si Jake na mag-guest sa kanilang mga TV show.

Sa pagkakaalam ko, babalik o  bumalik na si Jake sa Singapore dahil dito siya nag-aaral kaya malabo na masundan pa ang television appearances niya.

Bongbong walang karanasan nang sumawsaw noon sa pelikula

Ang mahusay na edukasyon ang tanging maipapamana ni Senator Bongbong Marcos sa tatlong anak na lalake nila ni Liza Araneta-Marcos kaya masipag mag-aral ang mga bata na maaga na napawalay mula sa kanilang mga magulang.

Eleven years-old ang lahat ng mga anak nina Papa Bongbong at Mama Liza nang ipadala sila sa London para mag-aral pero hindi naringgan ng reklamo dahil alam nila na mahalaga ang edukasyon.

Hindi naman nagkukulang ng panahon ang mag-asawa sa kanilang mga anak dahil madalas ang pagbisita nila sa London para kumustahin ang mga bagets.

Naranasan ni Papa Bongbong ang maging artista noong araw dahil lumabas siya as himself sa Iginuhit ng Tadhana, ang filmbio tungkol sa kanyang mga magulang.

Natatandaan ni Papa Bongbong na 1964 nang gawin niya ang pelikula at co-stars niya ang mga dating child actress na sina Vilma Santos at Gina Alajar.

Walang acting experience si Papa Bongbong. Ginawa lamang niya ang mga ipinag-utos ng direktor at pumasa naman siya sa kanyang una at huling pelikula.

Leonardo DiCaprio, nanalo rin finally na best actor

Natuwa ang Pinoy fans ni Leo­nardo DiCaprio dahil nag-win siya ng best actor trophy sa 73rd Golden Globe Awards para sa pelikulang The Revenant.

Isa na lang ang wish ng fans ni DiCaprio sa buong mundo, ang manalo siya na best actor sa Oscar Awards na napakailap sa kanya.

Ilang beses nang nomina­ted si DiCaprio sa Academy Awards o Os­cars pero umuuwi siya na luhaan. Ipinagdarasal nila na makuha na ni DiCaprio ang elusive best actor trophy ng Oscar’s dahil ito na lang ang kulang sa kanyang mga koleksyon ng acting awards.

Kaya bait-baitan mode muna… Aktres na nag-iinarte, tsinugi sa big project

Nagbibigay ng mga problema sa kanyang home studio ang isang aktres kaya nawalan siya ng big project. Tinuturuan ng leksyon ang pasaway na aktres na walang ginawa kundi ang tumanggi sa mga project na ibinibigay sa kanya.

Nairita ang mga bossing ng network kaya tsinugi siya sa isang big budgeted project. Naloka ang aktres sa ginawa ng mga bossing at dahil afraid, nagbabait-baitan muna siya.

ACADEMY AWARDS ACIRC ANG DAHIL EAT BULAGA GINA ALAJAR GOLDEN GLOBE AWARDS JAKE EJERCITO MGA PAPA BONGBONG SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with