Habang papalapit ang kasal... Pauleen tuloy ang pagtataray!
Jun Nardo (Pang-masa) - January 10, 2016 - 9:00am

Imbyerna si Pauleen Luna sa nilayasang network dahil sa pagsasapubliko ng detalye ng kasal nila ni Vic Sotto, huh!

Viral sa social media ang pagtataray ni Poleng na may karapatan naman dahil entitled siya sa privacy ayon sa ating batas, huh!

Sa totoo lang, umalma na rin ang manager ni Pauleen na si Manay Lolit Solis na pinagbibintangan sa pagkakalat ng ilang detalye sa kasal ng alaga.  Pero hindi lang naman ang TV host-manager ang nakakausap ni Poleng.

‘Yun nga lang, konting detalye lang ‘yon. Hindi naman nagdaramot ang couple especially Pauleen. Inilabas na niya ang wedding entourage niya pero may permiso rin naman marahil ‘yon ni Vic. Of course, hindi pa man inanunsyo ng ikakasal ang date at simbahan ng kasal, may naglabasan nang ulat na tungkol dito. May isa ngang katika­tera na pumunta pa sa church at kinunan ang nakalagay na picture nina Vic at Pauleen sa simbahan, huh! Patakaran kasi ng simbahan na ‘yung date ng kasal at pictures ng couple to be ay nakapaskel sa kanilang bulletin board, huh!

Sigurado namang hindi magdaramot sina Vic at Pauleen na ibahagi sa media ang photos ng wedding nila. Sikat silang artista kaya naman gusto rin ng media na magkaroon sila ng balita tungkol dito.

Pero ‘yung pangunahan ang mga ikakasal, teka lang! Respeto lang naman kung uso sa inyo ‘yon!

Dapat mag-novena na… Aktres dapat manalanging ‘wag mahawa sa kamalasan ng ka-loveteam!

Nagdarasal nang mataimtim ang fans ng sikat na aktres na huwag mahawa sa pagiging jinx ng isang aktor na kasama sa movie, huh!Hindi na kasi nakabangon ang aktor sa pagiging Flopsina King. Matagal nga bago nasundan ang waley niyang pelikula kasama ang ka-loveteam.  Eh sa huling pagsasama ng magka-loveteam, hayun at nganga na naman sa takilya ang resulta!

Teka nga’t makapag-novena na ngayon pa lang!

Julie Anne humataw ng paboritong kanta ng Master Showman

Hindi nagkasya ang stage ng Sunday PinaSaya kahapon sa rami ng Kapuso artists, members ng That’s Entertainment at kasama sa Walang Tulugan na nagbigay-tribute kay Kuya Germs. Madamdamin ang pag-awit ni Julie Anne San Jose ng Send In The Clowns na paborito ng namayapang TV host.

Anyway, may report tungkol sa pagbabago ng araw ng libing ni Kuya Germs sa Loyola Marikina.

Sa halip na sa Wednesday, magi­ging Huwebes na ang araw ng libing.

Pero sa Tuesday, tuloy ang tribute ng Sampaguita family sa wake ng Master Showman sa Mt. Carmel. Sa Sampaguita ang naging tahanan ni Kuya Germs mula nang madiskubre siya sa showbiz. Gabi ng memories at pag-alala sa buhay ni Kuya Germs ang magaganap sa gabing ‘yon.

Si Bishop Soc Villegas ang magmi­misa na susundan ng dinner ng pupunta.

ACIRC ANG FLOPSINA KING JULIE ANNE JULIE ANNE SAN JOSE KUYA GERMS LANG LOYOLA MARIKINA MASTER SHOWMAN PAULEEN PERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with