^

Pang Movies

Mga suki ni Willie na mga lola, aliw na aliw sumayaw na parang may amat

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ano ba naman ang nangyayari sa programa ni Willie Revillame? Parang wala itong kapanatagan, balita kasing ma­titigok na naman ito at papalitan ng show ni Eugene Domingo.

Nalulungkot tuloy ang mga senior citizen, hindi na kasi nila maidi-display sa TV ang kanilang pakiwal-kiwal na pagsayaw.

Imagine ba naman, magsayaw ka lang na parang luka-luka, may cell phone at jacket ka na agad!

Sino ba namang magbibigay sa kanila ng ganun, walang iba kundi si Willie lang.

Ang format kasi ng show ni Willie ay makaluma, walang bago at kulang din sa malalaking guests na kababaihan para naman may bagong mukhang napapanood.

Puro beki raw kasi ang mga nagpapatawa sa viewers nito, sana naman daw iyong kilala ng mga tao.

Pero don’t worry, balita kasing baka raw magkaroon ng bagong daily show si Willie, ‘di lang alam kung totoo ang balita o pampalubag loob lang. At araw-araw na raw itong eere.

Celia laging rumarampa

Mistulang may fashion show ang aktres na si Celia Rodriguez, bawat damit kasi na isuot nito ay talagang bagay sa kanya.

Humahanga kami kay Manay Celia, dahil isa siya sa mga artista na talagang kung magbihis tuwing may okasyon ay halatang galing sa buena familia. Doctor ang anak ni manay in real life.

Sa Because of You nga, hindi patatalbog ang outfit niya kay Kuh Ledesma.

Gayundin naman sina Carla Abellana, Gabby Concepcion at Rafael Rosell na lagi ring bongga ang mga suot sa bawat eksena.              

ANG

CARLA ABELLANA

CELIA RODRIGUEZ

EUGENE DOMINGO

GABBY CONCEPCION

KUH LEDESMA

MANAY CELIA

NBSP

RAFAEL ROSELL

SA BECAUSE OF YOU

WILLIE REVILLAME

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with