Jericho game makatrabaho si Kristine
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 6, 2016 - 9:00am

Pagkatapos ng pagkapanalo ni Jericho Rosales as Best Actor sa nakaraang Metro Manila Film Festival sa pelikulang Walang Forever, mas excited na ito sa pagsisimula ng taon na gawin ang mga nakalinyang niyang proyekto.

Kahit priority nito ang kanyang asawa na si Kim, aminado si Jericho na hindi pa siya handang maging daddy. Maglilibot muna sila ni Kim sa ibang bansa bago sila tuluyan mag-anak.

Pero kapag dumating naman daw ang baby anytime ay welcome sa mag-asawa bilang blessings. Pero habang wala pa ay mag-e-enjoy muna ang mag-asawa sa kanilang love nest.

Samantala, kahit kailan ay ayaw magbigay ng comment si Jericho sa pinagtatambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernado na Pangako Sa ‘yo ng ABS-CBN.

Alam ni Echo kung gaano kahirap ang seryeng ginagawa nina Daniel at Kathryn kaya nanatili pa rin itong number one primetime ng Kapamilya Network.

Bukod sa marami nang nabago sa istorya ay gusto lang ibigay ni Echo ang moment kina Daniel at Kathryn dahil may kakaiba rin handog ang magka-loveteam sa kanilang fans na tanging sila ang dapat bigyan ng credit.

Kaya never nakisawsaw si Jericho dahil iba naman ang panahon nila ni Kristine Hermosa.

Samantala, game naman si Echo kung sakaling bigyan muli ng pagkakataon na pagsamahin sila ng dating ka-loveteam na Mrs. Oyo Sotto na ngayon.

Bakit daw hindi sabi ni Echo sa isang interview dahil isa sa mahusay ng aktres si Kristine.

Kahit kasal na, Solenn pinagnanasaan pa rin sa pelikula nila ni Dennis

Parehong yummy sina Solenn Heussaff at Dennis Trillo sa music video ng original song na Kilig para sa pelikulang Lakbay2Love.

Kahit kakakasal lang ni Solenn sa asawa nitong si Nico, pinagpipiyestahan pa rin ang music video nila ni Dennis sa pelikula nila na ipapalabas ang outdoor premiere sa UP Diliman sa January 29 at mapapanood sa Feb. 3 sa mga sinehan.

Sa trailer pa lang ng movie ay mukhang maganda na ang istorya na hindi lang puro kilig moments ang hatid kundi ito ay iikot sa kahalagahan ng kalikasan.

Maraming siklista ang matutuwa sa movie nina Solenn at Dennis dahil ang bisikleta ang ginamit na bonding moment ng dalawa sa pelikula.

ANG BEST ACTOR DANIEL PADILLA DENNIS TRILLO JERICHO ROSALES KAHIT KAPAMILYA NETWORK KATHRYN KATHRYN BERNADO KRISTINE HERMOSA SOLENN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with