Kaya pala ‘di nakasama sa MMFF Herbert may na-match kay Maricel!
Jun Nardo (Pang-masa) - January 5, 2016 - 9:00am

Blessing in disguise kung tutuusin ang pagkakawala ni Mayor Herbert Bautista sa filmfest entry ni Kris Aquino. Based sa lumabas na ranking ng kinita ng mga kalahok, waley sa Top 4 ang movie ni Kris.

Eh, may naghihintay palang mas magandang blessing kay Mayor Bistek sa pagpasok ng taon dahil ipalalabas na ng Viva Films at Heaven’s Best Entertainment ang co-production nilang Lumayo Ka Nga Sa Akin na base sa book ni Bob Ong.

‘Di hamak namang mas malaking aktres ang kapareha ni Mayor HB na si Maricel Soriano kumpara kay Kris, huh! Eh swak na swak na rin ang dalawa sa komedya, so winner agad ang dating ng tambalan nila sa episode na Shake, Shaker, Shakest na idinirek ni Andoy Ranay, huh!

Aliw nga ang trailer ng movie na ipinalabas sa presscon ng trilogy. Mahaba ang title (Bala Sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat: Ang Epic Action Movie) ng episode nina Benjie Paras at Candy Pangilinan na idinirek ni Mark Meily habang ang episode naman ni Cristine Reyes ay Asawa ni Marie ang titulo mula naman sa direksyon ni Chris Martinez.

Wala si Bistek sa presscon pero present si Marya. Kung natuwa ang presence sa muling paglutang sa movie ng Diamond Star, higit siyang natuwa sa damdamin ng press na patuloy na wini-wish na magkaroon pa siya ng projects.

Sa presscon ding ‘yon, binisto ni Direk Chris na mas mabait na raw ang artista niyang si Cristine pagdating sa trabaho kumpara sa ginawa nilang The Gifted. That time kasi, buntis na si Cristine sa panganay na anak. Kaya naman nagkaroon man ng instances ng walk out at iba pang kadramahan, inintindi na lang niya ang seksing aktres.

Father-in-law nakaburol sharon nagluluksa sa kanyang 50th birthday

Sad 50th birthday ngayon ni Sharon Cuneta. Nakaburol pa kasi ang father-in-law niyang si Donato Pangilinan, Jr. sa Loyola Sucat na namatay last January 4.

Father ni Senator Kiko Pangilinan si Dony Pangilinan at ama rin nina Angeli, Anthony, at Felichi.

Lolo naman siya nina Paolo, Gabriel, Keanna na anak nina Angeli at Gary Valenciano. Sina Frankie at Miel naman ang anak nina Kiko at Shawie.

Hanggang bukas ang wake ng Pangilinan matriarch. Sa halip na flowers, ni-request ng Pangilinan family na magbigay ng gift sa Shi­ning Light Foundation, Inc., Operation Blessing, Called To The Rescue, Inc. o sa Master’s Lighthouse Foundation, Inc. Si Felichi ang tatanggap at magri-record ng offerings ng makikiramay.

Mula sa PM (Pang-Masa), ang aming pakikiramay.

ANDOY RANAY ANG ANG EPIC ACTION MOVIE ANGELI BALA SA BALA BENJIE PARAS BEST ENTERTAINMENT BOB ONG CALLED TO THE RESCUE CANDY PANGILINAN CHRIS MARTINEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with