Ogie tanggap na tanggap ang mga bagong ‘kapatid’ sa TV5
- Vinia Vivar (Pang-masa) - January 5, 2016 - 9:00am

Very much welcome para kay Ogie Alcasid ang pagme-merge ng Viva Communications at TV5 na siyang home network niya ngayon.

Very much welcome para kay Ogie Alcasid ang pagme-merge ng Viva Communications at TV5 na siyang home network niya ngayon.

Sa presscon ng bago niyang ihu-host na show sa TV5, ang Born to be a Star ay ramdam na ramdam na ang presence ng Viva dahil kasama niyang hosts ang mga Viva talents na sina Yassi Pressman at Mark Bautista.

Ayon kay Ogie, naging very positive naman daw ang feeling niya sa merging at okay na okay sa kanya na si Viva big boss Vic del Rosario na ang kanyang boss sa TV5.

“Maganda, maganda. Unang-una, si Boss Vic, hindi naman iba sa akin ‘yun, ninong din namin sa kasal ‘yun, tapos parang tatay na rin ni Regine (Velasquez, his wife) ‘yun, ‘di ba?” pahayag ng multi-awarded singing songwriter.

Biniro nga si Ogie ng mga writer na na-disappoint yata siya sa nangyari sa Kapatid network at natawa ang singer.

“Hindi naman ako na-dissapoint pero siyempre, naghihintay ako nu’ng earth-shaking experience na ano ba ang pwedeng mang­yari.

“Eh ganu’n talaga, eh. Limitado ‘yung talents namin nu’n, eh, sa TV5. Kami-kami lang, eh. Nu’ng dumating ako, nandiyan lang si Sharon (Cuneta), si Derek (Ramsay), si Aga (Muhlach), paalis na, so, wala kang magagawa, wala kang talents, eh. And then, of course, the newcomers.”

Ngayon at least, ang dami na raw talents ng network since ‘yung mga contract stars nga ng Viva ay nandito na rin.

“Nandiyan na sina Richard (Gutierrez), sina Claudine (Barretto), nandiyan na sina Mark (Bautista). Eh dati, paggalaw mo, ‘yun na ‘yun. Wala ka nang ibang makikita. Eh ngayon, uy, may mga bagong artista na, so may laban na nang kaunti.”

Pero nilinaw ni Ogie na wala naman daw siyang separate contract sa Viva at ang kanyang kontrata ay sa TV5 pa rin.

Sen. Chiz at tatay ni Heart close na close na

Makikita sa isang Instagram post ni Heart Evangelista na talagang close na at game na game na nag-pose ang husband niya na si Sen. Chiz Escudero at ama na si Rey Ongpauco.

Sa IG post, all smiles si Heart habang nasa pagitan ng dalawang pinakaimportanteng lalaki sa kanyang buhay, ang asawa at ang kanyang daddy, na pareho pang naka-kiss sa kanyang cheeks.

After nga ng masayang bakasyon sa Japan nina Heart at Sen. Chiz ay nag-celebrate naman sila ng New Year kasama ang ka­ni­lang loved ones dito sa Pilipinas.

Nag-post din ang aktres ng isang photo na kuha sa bahay ng kanyang sister na si Cam Ongpauco kung saan makikita si Sen. Chiz kasama ang ama ni Heart at boyfriend ng kanyang kapatid, with the caption “At my sister’s home for #happynewyear2016 with the men of our lives.”

Matapos naman ang New Year celebration with the Ongpaucos, naki-celebrate rin ang mag-asawa sa pamilya ni Sen. Chiz, kasama ang mommy nito na si Cong. Evie Escudero at mga kapatid at pamangkin.

After the holiday season ay back to painting naman si Heart at very busy sa pagkumpleto sa kanyang artworks para sa nalalapit niyang exhibit entitled “Oceans Apart” na gaganapin sa Ayala Museum this co­ming January 30 to February 9.

Very thankful din si Heart sa dami ng blessings nitong 2015, at kahit hindi naka-attend sa kanyang wedding last year and kanyang parents, ay nagkabati naman ang mga ito at ang kanyang husband three months after.

Last year, after they were able to patch things up, ay kinumpirma rin ng mag-asawa na they will renew their vows this February para nga naman this time ay maka-attend na ang pa­rents ni Heart sa ceremony at maihatid ang anak sa altar.

Mukhang magiging busy nga talaga si Heart next month dahil sa triple celebration para sa kanyang 31st birthday, first wedding anniversary at second solo exhibit.

As for Sen. Chiz na palagi pa ring nangunguna sa mga survey for the vice-presidential post, mukhang mas magiging busy pa ito sa mga darating na buwan dahil nalalapit na ang eleksyon.

Ama nina Angeli, Anthony, at Sen. Kiko pumanaw na

Nakikiramay kami kay Angeli Pangilinan-Valenciano sa pagyao ng kanyang amang si Mr. Donato Pangilinan, Jr. na ama rin ng mister ni Sharon Cuneta na si Sen. Francis “Kiko” Pangi­linan at ni Anthony Pangilinan na asawa naman ni Maricel Laxa.

Kaugnay nito ay nag-release ng statement ang pamilya Pangili­nan last Monday night.

“Our dearest dad, Donato “Dony” Tongol Pangilinan, Jr. moved out of planet earth at 3.50AM and joined his Father in heaven, his Creator, in the sweet embrace of our Lord Jesus Christ. His heart beat just began to fade. We received this message just before 4AM from our bunso doktora-sister Donna: “Dad is with Jesus. To live is Christ and to die is gain...” ang parte ng statement.

Bumaha naman ng pakikiramay ang social media accounts ng magkakapatid na Pangilinan, including Sen. Kiko.

Nag-tweet din ang dating Senador ng kanyang mensahe sa yumaong ama.

“I will love you forever Dad. Thank you for all that you’ve done for me and my 8 o­ther siblings. Mission accomplished!” tweet ni Sen. Kiko.

ACIRC ANG CHIZ HEART KANYANG KIKO MGA NAMAN NEW YEAR OGIE SEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with