^

Pang Movies

Jose tsugi na sa show nila ni Eugene?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Muntik nang masira ang poise ni Lani Mi­salucha noong mag-guest siya sa Celebrity Bluff ni Eugene Domingo kamakailan lang.

Nakasabay niyang ma-guest sa nasabing show sina Dina Bonnevie, Danica Sotto, Sid Lucero, at Michael de Mesa.

Hindi kasi mapigilan ni Lani ang tawa niya kina AiAi delas Alas, Kim Idol at Boobay. Tawanan silang bigla dahil nagtangkang mangutang ng pera si Boobay sa kanya.

Teka nga, marami ang nagtatanong, natsugi na nga ba si Jose Manalo sa show? Halata kasing malamig ang pakikitungo nila sa isa’t isa ni Eugene.

Vice Ganda lumakas ang mga bagong joke

Malaki ang laban ni Vice Ganda sa mga bagong joke na ginamit niya sa pelikula nila ni Coco Martin, kasama ang JaDine, ang Beauty and the Bestie.

Kasalukuyang humahabol sa takilya ang pelikula  directed by Wenn Deramas.

Tinanggap ni Coco ang pelikula kahit hindi niya forte ang pagpapatawa na siyang lalong nagpagaling sa kanya.

Gabby nanampal ng babae

Nakatikim ng malutong na sampal si Joyce Ching kay Gabby Concepcion dahil sa walang karespe-respetong pagsagot nito sa aktor sa serye nilang Because of You.

Maswerte si Joyce dahil nakasama siya sa malaking casting ng nasabing serye. Dahil du’n, nagkaroon siya ng tsansa na makasama ang malalaking artista gaya nina Kuh Ledesma at Ms. Celia Rodriguez.

Bukod kina Carla Abellana at Rafael Rosell, napatunayan ni Gabby na wala siyang kakupas-kupas sa pag-arte!

No wonder kung bakit hindi siya nabibigyan ng barya-baryang role.

ANG

BEAUTY AND THE BESTIE

BECAUSE OF YOU

BOOBAY

CARLA ABELLANA

CELEBRITY BLUFF

COCO MARTIN

DANICA SOTTO

DINA BONNEVIE

EUGENE DOMINGO

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with