Annabelle at Ruffa, nagkakaayos dahil sa tsismis
Jun Lalin (Pang-masa) - January 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Sa mga interview kay Annabelle Rama, madalas niyang maikuwento na mahilig sa “balita” ang anak niyang si Ruffa Gutierrez.

Madalas daw tumatawag si Ruffa sa kanya at ang palaging dialogue ay, “Ma, ano’ng ba­lita?” Sa dalas nga raw tumawag sa kanya ni Ruffa ay nag-e-end-up sila na magkaaway, pero dahil alam daw ng anak na mahilig din siya sa tsismis, kahit magkaaway sila at irita nga siya, tatawag at tatawag pa rin sa kanya si Ruffa para magkuwento ng latest at dahil doon, madalas na nagiging ok silang dalawa.

“Alam mo naman si Ruffa, mahilig ‘yan sa mga balita. The whole day, wala siyang ginawa kundi tawagan ako para makibalita at ang madalas, dahil umiinit ang ulo ko, nag-aaway kami, pero tatawag pa rin siya para magkuwento dahil alam niyang mahilig din ako sa tsismis, kaya nawawala na ang galit ko,” kuwento ni Bisaya.

Anyway, kahit mahilig sa balita si Ruffa, wala naman siyang mai-share na balita sa akin nang usisain ko siya kung ano ang latest ngayon. Sabi lang niya, no news daw at wala pa ngang exciting na nangyayari simula nang pumasok ang 2016.

“Everyone’s back to work today. There’s no tsismis!” sey ni Ruffa kahapon nang maka-text ko. Mukhang wala pa ngang balita dahil kahit si Bisaya, wala pa ring reaksiyon na nakabalik na pala ng ‘Pinas ang boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal at nakasama pa niya sa Palawan noong New Year’s Eve.

Actually, tahimik din si Bisaya at mukhang hanggang kahapon ay vacation mode pa rin siya katulad ng ibang celebrities, huh!

Hindi pa nga nagsisimula Barbie at Andre hindi raw magtatagal ang bagong serye

Ang story conference ngayong araw na ito ng primetime series na pagbibidahan nina Barbie Forteza at Andre Paras sa GMA 7.

Finally ay tatapusin na rin ng Kapuso network ang afternoon series na Half Sisters na pinagbibidahan ni Barbie at katambal niya si Andre. Nakitaan ng GMA 7 management ng promise ang tambalan nina Barbie at Andre, kaya inilagay na sila sa primetime.

Ang bagong primetime show ng love­team nina Barbie at Andre ang papalit sa MariMar na magtatapos na. Sad lang ang fans nina Barbie at Andre dahil sigurado raw na hindi aabutin ng matagal ang primetime series ng magka-loveteam dahil mas mahaba talaga ang buhay ng mga afternoon series compared sa primetime shows.

Martin mas magiging mapangahas na

Kahapon ay saglit kong ginambala si Martin Nievera na sobrang enjoy sa kanyang pagsu-swimming sa Boracay. Tinanong ko si Martin kung ano ba ang expectation and plans niya for 2016?

“For 2016 I expect more challenges and victories with a side order of defeat. My plan? To eat it all! Bring it on!”

O, ‘di ba naman at ang galing-galing talagang sumagot ni Martin, huh! Anyway, isa sa major projects ni Martin ngayong 2016 ay ang Royals Valentine concert nila ni Regine Velasquez-Alcasid sa February 13 na ang MOA Arena pa rin ang venue.

Makakasama naman nila rito sina Angeline Quinto at Erik Santos.

 

ACIRC ANDRE PARAS ANG ANGELINE QUINTO ANNABELLE RAMA BARBIE BARBIE FORTEZA BISAYA DAHIL ERIK SANTOS RUFFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with