^

Pang Movies

Magkamukha naman daw sila Pops gustong maging kapatid si Maine!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Type pala ni Pops Fernandez na makilala nang personal si Maine Mendoza na madalas na sinasabi na kalokalike niya.

Nakikita ni Pops sa Internet ang mga litrato nila ni Maine na pinagtatabi ng fans bilang ebidensya na magkamukha sila.

Ang wish ni Pops ang cue para sa Eat Bulaga staff na pagsamahin sila. Anytime, welcome si Pops na umapir sa Eat Bulaga at sa mga hindi updated, ninang at ninong ni Pops si Senator Tito Sotto at ang misis nito na si Helen Gamboa.

Nag-compose pa nga noon si Tito Sen ng kanta para sa kanyang inaanak.

Natuwa si Pops nang sabihin ng isang reporter na puwede silang gumanap ni Maine na magkapatid. Ang akala ni Pops, “mag-ina” ang sasabihin ng reporter.

Judge si Pops sa Born To Be A Star, ang talent search program ng TV5 at Viva Entertainment.

Si Boss Vic del Rosario ang may idea na maglagay ng talent search show sa Kapatid Network.

Si Boss Vic ang big boss ng Viva Group of Companies at siya rin ang Chief Strategist ng TV5.

Magsisimula sa January 26 ang taping ng Born To Be A Star at mapapanood ito sa February 6 sa Kapatid Network.

Regine pinatulan ang hamon ni Ogie

Si Ogie Alcasid ang main host ng Born To Be A Star at sa presscon na ginanap kahapon, tinanong siya tungkol sa isang event sa Boracay na pinuntahan nila ni Regine, kahit hindi sila invited.

Sa lahat ng mga gatecrasher, most welcome ang mag-dyowa na nagbigay-ligaya sa mga bisita na hindi makapaniwala.

Ang sey ni Ogie, pinatulan lang ni Regine ang kanyang dare na mag-gate crash sila sa Boracay party.

Nakadalawang kanta si Regine bago sila nag-babu ng dyowa niya sa wedding party sa Boracay.

Regine hindi ma-imagine na mapapanood sa ibang network

Magkasunod na humarap kahapon sa entertainment press ang Alcasid couple.

Nauna si Ogie na umapir sa grand presscon ng Born To Be A Star sa Music Hall, ang bar/restaurant na pag-aari ng Viva.

Naglagare ang ibang mga reporter dahil mula sa presscon ng Born To Be A Star, nagpunta sila sa 16th floor ng GMA Network Inc. para sa contract signing ni Regine.

Nag-renew si Regine ng kontrata sa kanyang home studio at ang pagpirma niya ang nagtuldok sa mga tsismis na mag-oober da bakod siya sa ibang television station.

Magbibida si Regine sa isang drama series at sa musical variety show ng GMA 7. Ikinatuwa ng fans ni Regine ang renewal niya ng kontrata sa Kapuso Network dahil hindi nila ma-imagine na mapapanood sa ibang television network ang kanilang idol.

Aiza aminadong nawalan ng trabaho nang magpakasal kay Liza Diño

Center of attention sa presscon ng Born To Be A Star si Aiza Seguerra dahil sa pasabog nito na nawalan siya ng mga trabaho nang magpakasal sila ng kanyang misis na si Liza Diño.

Ikinagulat ng mga reporter ang big reveal ni Aiza dahil wala silang kamalay-malay na may ganoong isyu.

Ang sey ni Aiza, nawalan siya ng mga raket, pati na si Liza dahil hindi pa tanggap sa Pilipinas ang same-sex relationship.

Hoping si Aiza na mabibigyan ng puwang sa Born To Be A Star ang mga miyembro ng third sex o LGBT community.

AIZA

ANG

BORACAY

BORN TO BE A STAR

EAT BULAGA

KAPATID NETWORK

LIZA DI

MGA

OGIE

POPS

REGINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with