Maine ‘shokoy’ ang tingin kay Alden
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 3, 2016 - 9:00am

Kinilig ng sobra ang AlDub Nation sa naging birthday message ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa kanyang ka-loveteam sa kalyeserye na si Alden Richards.

Bukod sa regalong birthday cake na siya mismo ang gumawa, naging mas makabuluhan para kay Alden ang sincere message ni Maine para sa kanya.

“Happy birthday, shokoy!” panimula ni Maine.

“Alam mo, isang karangalan talaga na makilala kita at siyempre ma­ging parte ng buhay ng isang Alden Richards.

“Alam mo, ‘yung pangarap mo, pangarap ko, pangarap nating dalawa, sabay nating binubuo.

“Isipin mo, sa dinami-rami ng tao sa buong mundo, dito na lang sa Pilipinas, sa dinami-rami ng tao sa Pilipinas, tayong dalawa pa ‘yung pinagtagpo ng Diyos.”

Humirit naman si Alden ng: “Alam mo kung bakit? Kasi we’re Maine to be!”

Itinuloy ni Maine ang mensahe niya para kay Alden sa gitna nang pagpapakilig nila sa mga manonood.

“Kahit ano’ng mangyari, lagi mong tatandaan na nandito lang ako for you as ka-loveteam mo at siyempre bilang kaibigan

“God gave me you!”

Meg gustong pagsamahin ang pagiging maaksyon at sexy

Pagkatapos gawin ni Meg Imperial ang pelikulang Nilalang, mas feel na nga nitong gumawa ulit ng mga action-drama movies.

Binigyan ng sexy image si Meg ng Viva Artist Agency. Pero gusto ni Meg na pagsamahin ang pag-action niya sa sexy image na gusto nila.

“Noon ko pa laging sinasabi kay Boss Vic (del Rosario) of Viva that I wanted to do more action films, to develop an image na inosente pero palaban.

“Puwede rin naman kasing pagsamahin ang action at ang sexy.

“So when I was offered the role of Jane in Nilalang, I was very excited even though I was one of those who was cast late in the film.

“Being the partner of Tony played by Cesar Montano, I have feelings for him. That’s why we also have a love scene in the film so sexy pa rin naman ‘yung role ko dito,”

Dumaan sa ilang training si Meg para sa role niya bilang isang NBI agent sa Nilalang.

“I did firing and at first, sobrang lakas ng impact ng putok but my ears can tolerate it naman so it’s all good.”

Natuwa rin siya sa pakikipagtrabaho sa Japanese actress na si Maria Ozawa.

“Magaan siyang katrabaho. We had a lot of scenes together and she’s nice and sweet and does not complain at all even when she didn’t understand what we’re saying. Sumusunod lang siya sa director namin.

“Very friendly siya. You won’t even think that she was what she was in the past.

“We’re still texting each other that we should hang out sometime,” pagtatapos pa ni Meg Imperial.

Kendall Jenner, na-in love sa ex ng kaibigang si Taylor Swift

Malakas ang bulungan na may relasyon na si Kendall Jenner sa One Direction member na si Harry Styles.

Namataan ang dalawa na nagbabakasyon sa Anguilla in the Eastern Caribbean noong nakaraang New Year.

Nakita nga ang dalawa sa isang restaurant doon at may ilang fans na nagpa-picture sa kanila.

Sumakay ng super-yacht ang da­lawa dahil ang sunod na pinuntahan nila ay ang St. Barts.

Sa yacht ay nakita si Kendall na suot ang green and white bikini samantalang naka-white swimming trunks naman si Harry.

Nag-swimming at nag-jet ski pa ang dalawa bago sila tumuloy sa St. Barts.

Noong January 2014 pa na-link si Kendall kay Harry. Nag-date na sila noon at nagbakasyon sa Mammoth Mountain sa California.

Wala silang inamin kung may relasyon sila noon.

Ex-boyfriend ng kaibigan ni Kendall na si Taylor Swift si Harry. Naghiwalay sila noong 2013.

Ang isang hit song ni Taylor na I Knew You Were Trouble ay tungkol sa breakup niya sa 1D singer.

ACIRC ALAM ALDEN RICHARDS ANG BOSS VIC CESAR MONTANO KENDALL JENNER MEG IMPERIAL NILALANG ST. BARTS TAYLOR SWIFT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with