Umamin sa kani-kanilang social media account?! Bea at Zanjo break na talaga!
- Vinia Vivar (Pang-masa) - January 3, 2016 - 9:00am

Tumindi na naman ang ispekulasyon sa social media na hiwalay na talaga sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Nag-like kasi ang aktres sa isang quotation kung saan ay nakasaad ang: “When God shows you it’s time to let someone go and you refuse to, He will allow the person to hurt you to the point you have no choice but to let go”.

Dahil dito, sari-saring komento ang netizens sa kanyang IG account at sa pananalita nila, parang sure na sure na talaga silang break na ang showbiz couple.

Comment ng isa, “ganun talaga ang buhay may mga bagay na kailangan mong bitawan para sa ikabubuti ng isat isa.. Panibagong taon at panibagong buhay. For sure sobrang daming manliligaw ni queen b na sobrang deserve niya.”

Sagot naman ng isa: “Sabagay, sa ganda ba naman niyang ‘yan, marami tlga. Well, I wish her good luck in choosing the one, kung may magustuhan man siya sa ngayon, mukhang nanamnamin pa niya ang buhay single.”

Post naman ng isa: “Ok lng yan Bea hinding-hindi kawalan si Zanjoe sa buhay mo mas magiging mabuti at masaya ang buhay mo nang wala siya.. Kaya let him go.. May darating at darating na tamang lalaki para sa iyo na pahahalagahan at pasasayahin ka.. God bless you always!!!”

Sa tono ng mga netizens na ito, parang alam na alam nila ang nangyayari kay Bea, huh!

Pero sa totoo lang, kung titingnan mo ang IG account ni Bea, matagal na siyang walang post na picture nilang magkasama ni Zanjoe kaya medyo nakakaintriga talaga.

Apat na pelikulang naghari sa MMFF hindi na napalitan

Nag-post sa kanilang official Facebook account ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ng gross earnings ng lahat ng walong pelikulang kasali sa loob ng 8 days na pagpapalabas ng mga ito.

Ayon sa post, umaabot na raw ng P737 million ang gross ng taunang festival in 8 days.

Ini-release rin nila ang top 4 films in no particular order at ito ay ang My Bebe Love, Beauty and the Bestie, Haunted Mansion and Walang Forever.

Hanggang January 7 pa ang showing ng MMFF movies kaya hindi malayong umabot pa sa 1 billion pesos ang gross.

Sa Jan. 6 naman daw ay ire-release ng MMFF ang exact figures ng mga kinita ng bawat pelikula.

Dati love life lang Toni, Bianca, at Mariel, sex life na ang paboritong topic

Sa first episode ng Tonight With Boy Abunda for 2016 ay guest niya ang tatlong original Pinoy Big Brother (PBB) hosts at magkakaibang sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, and Mariel Rodriguez.

Aliw na aliw kami habang pinapanood sila dahil masasabi mo talagang how time flies dahil lahat sila ay may asawa na ngayon at sex life na ang usapan gayung dati siyempre ay hindi pwede ‘yun.

Nakakatawa yung sinabi ni Mariel na mas maganda ‘pag lights on dahil nakikita lahat. Ha-ha-ha!

Nang tanungin ang tatlo if what is the best time to have sex, game na sagot ni Mariel, sa umaga raw kasi nandiyan pa lahat ng energy.

Medyo shy pa si Toni na hindi masagot nung una dahil ayaw daw ng kanyang inang si Mommy Pinty ang mga ganung usapan. Pero later ay sinabi rin niyang “anytime”.

Para naman kay Bianca ang best time for sex ay ‘pag hindi mo ine-expect.

Sa kani-kanilang buhay ngayon bilang may asawa na, ayon kay Toni ay nasa transitioning period pa rin siya since six months pa lang naman kasi silang kasal ni Paul Soriano.

“Six months na kaming married. So nandoon pa ako sa process ng transitioning. Mahirap actually yung stage ng transitioning, ng separation from the family, from Alex (Gonzaga), from everything, and being called ‘yung may dash na Soriano. So parang naroon pa ako sa stage na ‘yun, but it’s a good stage, which I know I’ll be able to overcome. That’s why I’d say that this year, this is my plan, to be the best wife,” say ni Toni.

Si Mariel naman, very vocal sa pagsasabing submissive wife siya talaga na eversince naman talaga ay lagi niyang sinasabi.

“The wife submits to the husband. Ako ganoon, it works for us. Robin (Padilla) is a good leader, he’s the man of the house, ako, I’m a follower. So kung ano sinabi niya, yun ang masusunod. Kung ano yung gusto niya, I will make it happen. ‘Yun na rin yung gusto ko, yung gusto niya,” say ni Mariel.

Sa kanilang tatlo, si Bianca ang may baby na kaya more on pagi­ging mom na ang kanyang advice.

Say niya, kahit daw isa ka nang ina, ang dapat na priority mo pa rin siyempre ay ang iyong asawa.

ACIRC ANG BEA BEA ALONZO BEAUTY AND THE BESTIE BIANCA BIANCA GONZALEZ HANGGANG JANUARY MARIEL NAMAN TONI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with