^

Pang Movies

Juday relaks lang sa paghihintay sa pag-ire!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakausap namin si Ryan Agoncillo sa backstage ng Eat Bulaga noong January 1 at nalaman naming hindi pa nagsilang ang wifey niyang si Judy Ann Santos, tulad nang ini-expect nila, bago nagtapos ang taon na nasa 38th week of pregnancy nito.

Akala raw nila tulad noong isilang si Lucho na nasa 38th week na, pero siguro raw dahil excited noon si Juday kaya isinilang agad ang panganay nila.  This time daw ay relaxed lamang si Juday dahil alam na niya ang ii-expect sa muli niyang pagsisilang, kaya wait na raw lamang sila nina Juday, Yohan at Lucho sa pagda­ting ni Baby Luna.

Hindi rin naman naiinip si Ryan sa paghihintay dahil busy rin siya sa taping ng Cash Cab reality show niya sa AXN, ang sitcom na Ismol Family at ang daily noontime show niya with the Dabarkads, ang Eat Bulaga.

Alden walang mapaglagyan ng tuwa, luha

Pigil na pigil si Alden Richards na maiyak sa pagbibigay ng messages ng mga Dabarkads sa pagsi-celebrate ng Pambansang Bae ng kanyang 24th birthday sa Eat Bulaga kahapon, lalo na ang message ni Allan K na “kapag naubos na ang araw ng kalendaryo mo, narito pa rin kami ng Dabarkads na susuporta sa iyo.” Pinatawa naman siya agad ni Sen. Tito Sotto na dapat daw ang gumagawa naman ng schedule ni Alden, bigyan siya ng free days para hindi sunud-sunod ang trabaho niya na sinagot naman ni Alden, na kayang-kaya pa naman niya.

Wish din ni Tito Sen na maging sila na ng ‘napakagandang babaeng malikot ang mukha’ (Maine Mendoza).

Bumilib naman kami sa mga Aldenatics at AlDub Nation fans nila ni Maine na may nanggaling pa ng Maryland, USA para makapanood ng My Bebe Love at magpa-block screening hanggang maka-attend ng birthday ni Alden.

May mga lumuwas ng Manila from different places in the Philippines para makasama siya.

Nang magbukas ang kalyeserye, malungkot si Alden dahil hindi alam ng tatlong lolas kung nasaan si Yaya Dub, iyon daw lamang makita niya si Yaya sa birthday niya ay masaya na siya.

Pumunta muli ng Broadway studio ang mga lola at doon na tinawag ni Lola Nidora na ‘manugang’ si Alden, at nandun na rin sa studio si Yaya na for the first time kumanta nang live ng favorite song niya for Alden, ang The Closer I Get To You, isa iyon sa mga sorpresa ni Yaya sa ka-loveteam.

Ang wish naman ni Alden na sana ay maka-kiss na siya kay Yaya ay pinayagan ni lola, pero sa kamay lamang humalik si Alden.

Sinorpresa rin ni Yaya si Alden sa pagbi-bake niya ng cake. Dumalaw rin sa show ang mga dating teachers at classmates ni Alden pero ang sorpresa ay nang sabihin ni Lola Nidora na mabubuo ang birthday celebration ni Alden kung maipakikila na niya nang personal ang magiging kabalae niya, daddy niya, si Ri­chard Faulkerson Sr. kay Maine.

Pumasok si Daddy Bae na kumakanta ng Ngiti at pagkatapos ay nag-duet sila ni Alden.

Naipakilala na rin niya ang halatang nahihiyang si Maine pero hindi na nakatiis si Alden nang magpasalamat sa lahat ng mga nag-isip ng celebration na iyon.

ACIRC

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ALLAN K

ANG

BABY LUNA

DABARKADS

EAT BULAGA

JUDAY

LOLA NIDORA

NIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with