Sunshine hoping na mapabilis na ang annulment kay Cesar
Jun Lalin (Pang-masa) - January 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Para kay Sunshine Cruz, very awesome ang kanyang 2015, pero she’s expecting na ang 2016 ay magiging better year para sa kanya at sa tatlo niyang mga anak.

Sabi pa ng aktres, gusto niya na more work ngayong taon na ito para makapag-provide siyang mabuti para sa kanyang “Tres Marias” (tawag niya sa tatlong anak na babae).

Sinabi rin ni Sunshine na she’s hoping na ang annulment sa kasal nila ng estranged husband niyang si Cesar Montano ay ma-grant na ng korte ngayong 2016.

Pagdating naman sa kanyang lovelife, mukhang walang wish si Sunshine dahil hindi pa nga naa-annul ang kasal nila ni Cesar!

#WalangForever lumakas ang hatak

As expected, dahil sa panalo nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales bilang best actress at best actor, respectively, lalong lumakas sa takilya ang pelikula nilang Walang Forever na prodyus ni Atty. Joji Alonso.

Ang tsika ng iba, lumamang na raw ito sa All We Need Is Pag-ibig ni Kris Aquino.

Sabi-sabi, pang-number four na raw sa Metro Manila Film Festival 2015 ang pelikula nina Jennylyn at Jericho. True kaya?! Anyway, maganda naman ang feedback sa Walang Forever at pati sa main support na si Lorna Tolentino ay marami ang natutuwa at nagagalingan, kaya hindi naman imposible na dahil sa word of mouth na maganda nga ang pelikula ay lalong nagkakaroon ng interes ang moviegoers na panoorin ito.

Last year din naman ay marami ang nagulat sa lakas sa takilya ng pelikulang English Only, Please na pinagbidahan din ni Jennylyn at si Atty. Alonso rin ang nagprodyus.

Richard at Sarah, maglalagare ngayong 2016

Aliw ang fans sa mga litratong kuha nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa anak nilang si Baby Zion sa Hong Kong Disneyland kung saan nila sinalubong ang 2016.

Mas malaki na kasi si Zion (he’s turning three years old sa April 29), kaya naman mas nae-enjoy na niya ang mga lugar na katulad ng Disney.

Mas bibo na rin ngayon si Zion, kaya naman marami ang nagsasabing mukhang susundan ng bata ang mga yapak ng kanyang famous parents.

Oo nga pala, in-enjoy nang mabuti nina Richard at Sarah ang pagba-bonding kasama si Zion dahil this 2016 ay pareho na silang magiging busy.

Si Richard ay magiging abala sa taping ng Ang Panday at maraming mga eksenang kukunan nila sa disyerto ng Ilocos at paminsan-minsan lang daw dadalaw roon si Zion.

Si Sarah naman, todo na rin sa taping ng Written In Our Stars teleserye ng ABS-CBN plus may weekly dance number din siya sa ASAP.

Papansin?

Mga manghuhulang gustong sumikat, siguradong mag-iingay na

Dahil 2016 na, asahan ang pagsulpot ng maraming predictions mula sa mga kilalang manghuhula at pati sa mga manghuhulang gustong magkapangalan.

Asahan din na kung ano ang nababasa sa entertainment pages ng mga dyaryo o kahit sa internet ay masasama sa predictions ng ibang mga manghuhula dahil karamihan sa kanila ay mahilig magbasa ng showbiz news at ang iba sa kanila ay doon ibinabase ang kanilang predictions.

May ibang manghuhula nga na kapag nalaman na mahilig sa kotse ang isang artista ay maglalabas ng prediction na may isang artistang magkakaroon ng vehicular accident kung hindi siya mag-iingat sa pagmamaneho.

Very generic na mga hula at predictions ang karaniwang sinasabi nila, kaya nga thru the years ay hindi na rin naging mabili ang mga manghuhulang ito sa tuwing sumasapit ang New Year!

ALL WE NEED IS PAG ANG ANG PANDAY BABY ZION CESAR MONTANO ENGLISH ONLY HONG KONG DISNEYLAND JENNYLYN JENNYLYN MERCADO MGA WALANG FOREVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with