^

Pang Movies

No. 1 misteryo pa? MMFF hindi mapilit magbigay ng kita ng mga pelikula

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagkaroon din kami ng chance na makapalitan ng text messages ang isa sa members ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at naiparating namin sa kanya ang malaking tanong kung bakit after na mag-release sila ng first day box-office gross ng walong entries sa festival, hindi na iyon nasundan. 

Ang huling lumabas na figures, for December 25 – 29 ay may gross na Php 547 million ang top four (4) movies.

Ito ang sagot niya sa text: “MMFF does not reveal the individual results.  It’s a matter of protecting the produ­cers, the top 4 and the bottom 4.  So we stick with the total gross.  The official 5 day result of the 8 festival films is Php 547 million.  It’s Php 16 million higher than last year.” 

Ewan lamang kung mabibigyan pa niya muli kami ng updates ng gross income ng MMFF pero latest na nalaman namin, iri-release na lamang nila ang total box office gross sa January 7. 

How come, samantalang hanggang January 7 pa ang showing ng mga movies ng MMFF?

Isa namang producer ang na-meet namin last Wednesday, na may filmfest entry at siya ang natanong namin kung anu-ano ang top 4 movies. 

Nagreklamo rin pala siya dahil bumaba sa top 4 ang entry niya nang umakyat ang isang entry, samantalang hindi nawala sa list ang movie na hindi naman kumikita.  Ito raw ang top 4 in particular order: My Bebe Love #KiligPaMore, Beauty and The Bestie, Haun­ted Mansion at #WalangForever.

Maine inaabangan kung sisiputin ang birthday ni Alden

Saturday is always a big day sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Ngayong Saturday, magiging big day ba ito sa AlDub Nation dahil isi-celebrate ni Alden Richards ang kanyang 24th birthday, at maaring first time silang magkikita muli ng ka-love team na si Maine Mendoza pagkatapos nilang maghiwalay after ng MMFF parade of stars last December 23, dahil si Maine ay tumuloy sa family vacation nila sa Japan. 

Naiwan naman si Alden dito at nag-celebrate ng Holiday Season with his family. 

Mangyayari ito kung nakabalik na kahapon si Maine tulad ng promise niya kay Alden na narito na siya sa birthday ng Pambansang Bae. AlDub Nation, keep your fingers crossed!

Gabby nagiging jologs dahil kay Carla

Bagay pala kina Gabby Concepcion at Carla Abellana ang off-beat roles, tulad ng ginagampanan nila sa top-rating primetime series nilang Because of You.

Gumaganap na boss si Gabby at very efficient assistant naman niya si Carla. 

Ayon kay Gabby, ini-enjoy nga niya ang role niya na hindi pa niya nagawa sa iba niyang soap na ginawa na lagi siyang seryoso. 

Kahit ang mga dialogues niya, may pagka-jologs siya dahil kay Carla. 

Hindi raw niya makalimutan iyong eksenang umakyat sila sa Banaue in Bontoc Province at dahil nasiraan sila ng dala niyang kotse, napilitan silang sumakay sa isang pampasaherong jeep para makarating sa kanilang pupuntahan. 

Pero hindi raw basta sila sumakay sa jeep, sa bubungan ng jeep, dahil wala nang space sa loob ng jeep. 

Totoo raw pala iyon, na sa mga probinsiya, dahil mahirap ang transportation, hanggang sa ibabaw ng sasakyan ay may tao, makarating lamang sa kanilang mga pupuntahan.

Pabalik na si Gabby ngayon from his Christmas vacation sa San Francisco USA at excited na siyang bumalik sa taping, kasama si Carla, at mga jologs BFFs nito na sina Vaness del Moral at Iya Villania.

ACIRC

ALIGN

ANG

CARLA

DAHIL

LEFT

NBSP

NIYA

PHP

QUOT

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with