_pang-masa
^

Pang Movies

KC gusto nang mapalapit sa kanyang mommy Shawie at mga kapatid

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay KC Concepcion, wish niya for 2016 ay maging “closer than ever” sila ng kanyang fa­mily.

Say niya sa kanyang panayam with ABS-CBN, gusto raw niyang mag-improve ang relas­yon niya with mom, Sharon Cuneta at younger sister na si Frankie Pangilinan.

“Malaki na rin si Frankie. She’s a teenager, she’s blooming. So I just want the family to be closer than ever, and I can’t do it alone. It’s teamwork. I want all of us to be happy and all of us to keep trying to keep each other happy,” say ni KC.

“Ngayon na wala na ‘yung lola ko, I really wish that my mom and I become closer than ever. I really want the best for her,” pahayag pa ng panganay ni ate Shawie.

Samantala, medyo matagal-tagal na ring hindi napapanood sa isang regular show si KC sa ABS-CBN kaya nami-miss na siya ng kanyang mga fans.

Last TV project pa niya ay ang Give Love on Christmas last year habang sa teleserye naman, huli siyang napanood sa Huwag Ka Lang Mawawala noong 2013.

Wala pang balita kung ano ang nakaplano sa kanya this 2016.

Parang kailan lang naging mag-on Kean at Chynna, ikinasal na!

Ang bilis ng pangyayari para kina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza. Parang kelan lang nang mapabalitang sila na at ngayon ay kasal na sila.

Obviously ay very private ang kasal dahil hindi napabalita at nagulat na lang ang lahat nang mag-post sina Kean at Chynna last Dec. 31 sa kani-kanilang Ins­tagram account after the wedding.

Nag-post sila ng picture ng kanilang mga kamay na may suot na singsing sa daliri at sa caption ay nakalagay ang: “Always Love 1 Corinthians 13: 4-8 Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails. Our love & gratitude to our Cipriano & Ortaleza Families! Happy New Year! God bless you all!”

Walang kumpirmasyon kung kaylan sila ikinasal although ang hinala, noong Dec. 31 lang din pero may nagsasabi ring two weeks ago pa raw nagpakasal ang dalawa.

Matatandaang last October lang umamin si Kean na sila na ni Chynna although tila nagsimula ang relasyon nila noong June, 2014 pa.

Habang nag-i-enjoy sa Hawaii, Kris walang paki sa pag-pull out ng pelikula sa mga sinehan?!

Halatang enjoy na enjoy si Kris Aquino sa pagbabakasyon with her kids in Hawaii at mukhang hindi alintana ang mga issues at intriga sa Metro Manila Film Festival kabilang na ang kanyang pelikulang All You Need is Pag-ibig.

Ang Instagram account niya ngayon ay punung-puno ng mga pictures nilang mag-iina habang nagbabakasyon.

We wonder kung alam niya ang reklamo ng direktor niyang si Antoinette Jadaone sa pagpu-pull-out ng movie nila sa mga sinehan.

Nag-post kasi si Direk Tonette sa Twitter account niya last Wednesday na ipinu-pull out na raw ang AYNIP sa theaters.

 “So they’re pulling out AYNIP in thea­ters too. Sad,” post ni Direk Tonette.

ACIRC ALIGN ALL YOU NEED ALWAYS LOVE ANG CHYNNA DIREK TONETTE KEAN LEFT QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with