^

Ian at Jodi parang may sexual tension ang acting

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - December 30, 2015 - 9:00am

Muling pinatunayan nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion na kaya pa nilang kabugin ang mga bagong love team kahit sa big screen sa pagsasama nila sa feel good movie na All You Need is Pag-ibig ng Star Cinema.

Tama ang sinabi ni Ian sa isang interview na nagri-reflect sa screen kung paano sila ni Jodi nag-i-enjoy magtrabaho at friendship nila sa isa’t isa.

Kahit ang dating ng pag-arte nina Ian at Jodi ay parang may sexual tension at forbidden love ang effect na kahit sa palabas na Pa­ngako Sa ‘yo ng Kapamilya network ay nagagawa nila professionally ang kanilang mga kilig na eksena.

Mas light lang ang role nila sa All You Need is Pag-ibig na hindi nawala ang kilig at hinaluan pa ng kuwela sa kantahan moment na game na game ang dalawa.

Disturbing lang ang ginamit na wig ni Jodi sa movie para maiba sa look niya sa Pangako sa ‘Yo.

Inamin naman ni Jodi na na-appreciate niya ang pagiging guwapo at hot ni Ian, ganundin ang aktor na bilib sa husay umarte ng kanyang ka-love team.

Alaskado naman si Ian sa kanyang mga anak, kapag nakikita ang kanyang billboard na sinasabing sobra raw siyang magpa-cute.

Aminado naman si Ian na kailangan niya ng extra effort dahil tumatanda na raw siya. Pero thankful siya sa mga fans na tumatangkilik pa rin sa kanya hanggang ngayon.

Wish lang ni Ian na pagkatapos ng trabaho niya ng Pangako sa ‘Yo,  makapagbakasyon siya sandali kasama ang kanyang pamilya para makapag-bonding at makapagliwaliw bago muli sumabak sa mga nakalinya niyang projects.

Hindi naman nakapagtataka na maganda ang AYNIP dahil ang magaling na direktor na si Antoinette Jadaone, katulad na lang ng boyfriend niya na si Dan Villegas ang nagdirek ng Walang Forever.

ALL YOU NEED ANG ANTOINETTE JADAONE DAN VILLEGAS IAN IAN VENERACION JODI JODI STA PAG PANGAKO STAR CINEMA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with