^

Daig pa si Lola Nidora biglang yaman na aktres, astang donya sa rami ng minions

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - December 30, 2015 - 9:00am

Imbes na kainisan ay kinatuwaan ng mga sales ladies sa isang kilalang department store ang isang biglang-yaman na aktres dahil sa mga kilos nito na mala-senyora.

Dumating nga raw ang biglang-yaman na aktres na may kasamang mga alalay at bodyguards.

Ito raw ang mga nagbibitbit ng kanyang mga binili. Turo lang daw nang turo ang aktres ng mga gusto niya at inaasikaso na ito ng kanyang personal shopper.

At bongga pa ang outfit ng biglang-yaman na aktres. Naka-shades ito habang nagsa-shopping at ayaw magpaawat ng animal print sa kanyang suot mula ulo hanggang paa.

At ang nakakatuwa ay parang mga Minions ang mga kasama niya na sunud lang nang sunod sa kanya habang naglalakad ito.

At ang mga bodyguards niya, laging nakapaligid sa kanya na parang anytime ay baka may kumidnap sa senyora nila.

“Nakakatuwa naman siya. May Minions na siya, may sarili pa siyang mga Rogelio!” sabay tawa ng source namin.

“Dinaig pa niya si Lola Nidora sa hitsura niya. Karakter talaga ang babaeng ‘yan. Nagkaroon lang ng maraming pera, umasta nang senyora.

“Sige enjoy-in na niya ang pagiging senyora niya at matagal din siyang naghintay ng panahon na ito.

“Mabait naman ang babaeng ‘yan, may pagkalukaret lang hanggang ngayon.

“Kaya bagay sa kanya ang ginagawa niya ngayon. Luka-lukahan lang siya kasama ang mga Minions niya at mga Rogelio!”

Ken Chan may sarili nang webisodes

May mga aral sa buhay na sine-share ang bida ng Destiny Rose na si Ken Chan.

Dahil sa magagandang aral na galing sa teleserye, nagkaroon ng sariling webisodes si Destiny Rose na kung tawagin ay Destiny Calling.

Dito ay nagbibigay ng mga payo si Destiny Rose tungkol sa pamilya, pag-ibig at pagtanggap sa sarili.

Justin Bieber naglala­miyerda sa beach kasama ang girlfriend na model

Marami ang muling naintriga sa pag-post ng pics ni Justin Bieber sa Snapchat kasama ang model na si Hailey Baldwin.

Matagal nang nababalitang ito ang girlfriend ni Justin pero friends lang daw sila nito.

Nasa isang private beach ang dalawa at nag-imbita pa si Justin na sundan siya sa Snapchat para malaman ang kanyang daily activities kasama si Hailey.

“Follow me on snapchat my username is rickthesizzler. You bet your bottom dollar,” pag-anyaya pa ni Bieber.

Sa kanyang Instagram naman ay nag-post din siya ng photos with Hailey. Pero kasama nila ang ibang mga friends at ang nakakabatang kapatid niyang si Jaxon.

ACIRC ANG DESTINY CALLING DESTINY ROSE HAILEY HAILEY BALDWIN JUSTIN JUSTIN BIEBER KEN CHAN MGA NIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with