^

Matteo laging itinatago sa backstage si Sarah?!

Jun Lalin (Pang-masa) - December 26, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Noong Christmas day ay special guest ni Martin Nievera sa free concert nito sa Circuit sa Makati City si Matteo Guidicelli.

May fans ang binata na nag-akalang nasa backstage ang girlfriend ni Matteo na si Sarah Geronimo.

Kung matatandaan, nanood ng MG1 concert ni Matteo sa Music Museum si Sarah, kaya lang ay sa backstage lang ito nag-stay, kaya naisip ng ibang fans na baka nasa backstage lang sa Circuit concert si Sarah.

Pero ayon sa isang kasama sa concert na ‘yon, wala talaga roon si Sarah.

Hindi lang alam ng source ko kung bakit hindi nanood si Sarah, pero ‘yon nga, mali raw ang iniisip ng ibang fans na nandoroon ang dalaga.

Maine mas magaling pa raw umarte kay Alden!

Ang pangunguna sa box-office ng pelikulang My Bebe Love nina Vic Sotto, AiAi delas Alas, Alden Richards at Maine Mendoza noong Christmas day.

As of 3:00PM pa lang noong Christmas day, tukoy na tukoy na ang pagiging number one ng My Bebe Love kumpara sa pito pang Metro Manila Film Festival 2015 entries.

Dagsa nga sa mga sinehan ang tinaguriang AlDub Nation.

In fairness, pati ‘yung mga nakatanggap ng MMFF 2015 season pass na puwedeng panoorin ang My Bebe Love simula kahapon (hindi puwede ang nasabing pass sa first day ng filmfest) ay nanood na ng My Bebe Love noong Friday para ipakita ang suporta sa kanilang iniidolong loveteam.

Ilang mga kaibigan ko na nanood ng nasabing pelikula ang nagsabing pasado ang akting ni Maine (Yaya Dub) for a newcomer.

Naaliw raw sila sa dalaga at may nagsabi pang mas magaling nga siya kay Alden (teka lang, please, walang violent reaction sa comment na ito, huh!).

Kilig-kiligan daw talaga ang fans sa mga eksena nina Alden at Maine.

Inaasahan din na mas tatabo pa sa takilya ang My Bebe Love sa buong filmfest run.

Ayaw magaya kay Toni… Alex gustong pakasal habang bata pa

Napaka-sweet na ate talaga ni Toni Gonzaga sa only sibling niyang si Alex Gonzaga.

Hindi kasali sa pelikulang Buy Now, Die Later si Toni, pero pino-promote niya ang pelikulang ‘yon lalo na sa kanyang social media accounts bilang suporta sa kapatid. Masaya nga raw si Toni sa magandang feedback sa akting ni Alex sa pelikulang ‘yon.

Samantala, maraming natutuwa na may exclusive date na ngayon si Alex. May ilang malalapit sa dalaga ang naniniwalang ang pag-aasawa ni Toni kay Paul Soriano ang dahilan kung bakit inaasikaso na rin niya ang kanyang lovelife.

Noon nga naman kasi, may ka-bonding si Alex sa kanilang bahay kapag pareho silang walang trabaho ni Toni, pero nang mag-asawa na ang kanyang ate ay marami na ring pagbabago dahil hindi na nga sila magkasama sa iisang bahay.

Sa isang tsikahan nga pala ay nabanggit ni Alex na kung magkaka-boyfriend na siya, hindi naman niya masyadong patatagalin ‘yon kung sakaling ang lalaking ‘yon na ang pakakasalan niya dahil kung tutularan niya si Toni na umabot muna ng napakaraming taon bago pinakasalan si Paul ay masyado na raw siyang matanda no’n.

ACIRC ALDEN RICHARDS ALEX ALEX GONZAGA ANG BUY NOW DIE LATER MAINE MENDOZA MAKATI CITY MY BEBE LOVE TONI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with