^

Pia nagpa-good vibes sa mga ‘Pinoy

Vir Gonzales (Pang-masa) - December 22, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Nagbubunyi ang ABS-CBN lalo na ang Star Magic dahil tatlo sa mga alaga nila ay naging beauty queen, sina Megan Young, Valerie Weigmann at ang pinaka-latest na si Pia Alonzo Wurtzbach na kinoronahan na Miss Universe 2015.

Masaya sila dahil hindi nasayang ang pag-build up nila sa mga nasa­bing beauty queens na matagal-tagal ding umapir sa Kapamilya network. May mga nagsasabing hawig nga raw ni Mirriam Quiambao si Pia.

Nakatulong ng malaki kay Pia ang kanyang Filipino made dresses at simpleng buhok na walang kahit na anong borloloy.

Matalino ang kanyang pagsagot at very composed ang pagkilos. Napakalaking karangalan na nasungkit ng Pilipinas ang pinakamataas na posisyon bilang pinakamagandang babae sa buong universe.

Kahit sandali, nakalimutan ng mga Pinoy ang mga delubyo at corruption dahil kay Pia na tubong Cagayan de Oro.

Jack Jones, may concert

Magkakaroon ng concert ang paboritong singer na superstar sa mga karaoke at jukebox na si Jack Jones sa Kia Theater, tampok din sa concert ang all time favorite na si Jose Mari Chan at Gerphil Flores.

Direk Dom, nagbunyi sa pagwawagi ni Pia

Tila tumigil ang mundo sa set ng Marimar habang ina-announce kung sino na ang Miss Universe. Nakuhanan nga ni Tom Rodriguez ng litrato si Direk Dominic Zapata kasama ng ilan pang production staff na nagbubunyi at tuwang-tuwa sa pagkapanalo ni Pia Wurtzbach sa napaka-prestigious na competition na ito.

Painting ni Heart, idi-display sa museum!

Tuwang-tuwa si Heart Evangelista dahil idi-display ang isa sa kanyang mga naging paintings sa Ayala Museum simula January 30 hanggang February 9. Magandang Christmas gift ito sa Kapuso actress na hinahangaan sa kanyang talento sa pagpinta.

ANG AYALA MUSEUM DIREK DOM DIREK DOMINIC ZAPATA GERPHIL FLORES HEART EVANGELISTA JACK JONES JOSE MARI CHAN KIA THEATER MAGANDANG CHRISTMAS MISS UNIVERSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with