Manay Lolit hindi iniiwan sa ere si Bong
Jun Lalin (Pang-masa) - December 22, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Bibilib ka sa pagmamahal ni Manay Lolit Solis sa alaga niyang si Sen. Bong Revilla.

Kahit matagal nang nakapiit si Sen. Bong (pati si Sen. Jinggoy Estrada) sa Camp. Crame, regular pa rin ang pagdalaw roon ng showbiz manager/TV host.

Alam na alam din ni Manay Lolit kung sinu-sino ang mga madalas na dumalaw kina Bong ay Jinggoy.

Alam niya kung sino ang hindi nang-iiwan sa dalawa.

Kahapon habang magkatsikahan kami sa parlor ni Bambbi Fuentes, nag-dialogue si Manay Lolit na sobra ang suporta niya sa kandidatura ni Cong. Martin Romualdez sa pagka-senador dahil tunay itong kaibigan ni Bong.

Palagi raw dinadalaw ni Cong. Romualdez si Bong.

 “Basta may time si Martin, dumadalaw siya kay Bong at ang dalas-dalas no’n, ha! Hindi niya iniwan si Bong, kaya gusto ko siya. Kaya super-support ako sa candidacy niya sa pagka-senador!” sey ni Manay Lolit.

Richard paparada sa MOA

Sina Richard Gutierrez at Christopher de Leon sa sword-fight training nila kahapon sa Ultimate Fitness Gym sa Metrowalk sa Pasig City.

Isa sa may-ari ng nasabing gym si Richard, kaya doon na sila nag-training.

Para sa Ang Panday series nila sa TV5 ang sword-fight training ng dalawa.

Ayon kay Manay Lolit na manager ni Boyet (palayaw ni Christopher), gustung-gusto ng aktor ang role niya sa Ang Panday, kaya very cooperative sa lahat ng training.

Mula sa Metrowalk, dumeretso naman sina Richard at Boyet sa TV5 Media Center sa Realiance St., Mandaluyong City para sa look-test naman.

Ngayong 1:00 p.m. nga pala ang Parade of the Stars ng Metro Manila Film Festival 2015 na magsisimula sa MOA Arena kung saan ay may float din ang Ang Panday kung saan ay sasamahan sina Richard at Boyet ng iba pang stars ng nasabing series ng new TV5.

Kris na-in love na sa Hawaii

During the very intimate presscon daw ni Kris Aquino para sa kanyang MMFF 2015 entry under Star Cinema, ayaw raw banggitin ng TV host/actress kung saan sila magbabakasyon ng mga anak na sina Joshua at Bimby.

For security reasons daw ang dahilang ibinigay ni Kris.

Pero bago pa naman ang intimate presscon niya, may mga malalapit na sa kanya na nagkuwentong sa Hawaii ang punta ni Kris at ng kanyang mga anak.

Masyado nga raw kasing nagustuhan ni Kris at ng kanyang mga anak ang lugar na ‘yon.

ALAM ANG ANG PANDAY BAMBBI FUENTES BONG BONG REVILLA BOYET JINGGOY ESTRADA KRIS AQUINO MANAY LOLIT MANAY LOLIT SOLIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with