Pauleen emosyonal na sa nalalapit na kasal
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - December 21, 2015 - 9:00am

Naging very emotional si Pauleen Luna sa isang Instagram post niya.

Malapit na kasi ang inaabangan na wedding nila ni Vic Sotto sa January 2016.

Heto ang naging caption sa post ni Pauleen:

“I promise to hold your hand through this journey. Always”

Kelan lang ay nag-photo shoot na si Pauleen suot ang wedding gown na gawa ng designer na si Francis Libiran.

Noong nakaraang September lang na-engage ang dalawa pero last November ay nag-celebrate sila ng kanilang fourth anniversary bilang couple.

Chariz hinarana ng mister habang inooperahan

Congratulations kay Chariz Solomon dahil sa bago niyang baby boy!

Ipinanganak ng komedyante ang kanyang second child nitong nakaraang December 20 via CS operation.

Sa post ni Chariz sa kanyang Instagram account, ikinuwento niya ang laking takot niya dahil dumaan na naman siya sa Caesarean operation.

“My first emergency CS operation with Apollo kasi, kaila­ngan akong patulugin bigla. So wala akong masyadong naalala.

“Kanina, I was completely aware of everything. Ninerbyos ako nang todo so I told Nestor to play our song, using my cell phone - I Don’t Wanna Miss A Thing by Aerosmith. My all time fave song.

“Sobrang bagal mag-load sa YouTube so what he did was, kinanta n’ya na lang ‘yung kanta.

“Oo, habang inooperahan ako, sa operating room sa harap ng maraming tao. Na- relax talaga ako. Salamat babe for being there. Hindi ka man songer ay talagang na-appreciate ko ang effort mo. We love you dad!! We are so proud of you.”

Ali ang name ng bagong baby boy ni Chariz at ng mister niyang si Nestor.

Mga naggagandahang babae sa iba’t ibang parte ng mundo pinataob ni Miss Spain

Ang Spanish model na si Mireia Lalaguna ang kinoronahan bilang Miss World 2015 sa Sanya, China.

Tinalo ni Miss Spain ang 113 contestants mula sa iba’t ibang parte ng mundo.

Isang pharmacy student from Barcelona si Miss Spain.

“Without the love I have received from all of the people I have met here, and from all of the people wishing me well and supporting me at home, I would never have gotten to this point.

“I want to show them and the world that I am deserving of the Miss World title and I hope to do everyone proud,” sey pa ng bagong Miss World.

Second place ay napunta kay Miss Russia Sofia Nikitchuk. Ang third place ay kay Miss Indonesia Maria Harfanti.

Nakasama sa Top 10 ang ating Miss Philippines na si Hillarie Parungao. Nakasama rin sa Top 10 ang representatives ng Guyana, Lebanon, Jamaica, France, South Africa, Australia, at Vietnam.

ACIRC ANG ANG SPANISH CHARIZ CHARIZ SOLOMON FRANCIS LIBIRAN HILLARIE PARUNGAO I DON MISS MISS SPAIN MISS WORLD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with