^

Pang Movies

Kris inggit na inggit kay Pokwang, gusto na ring maghanap ng dyowa sa Amerika

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kahit ilang beses nang napanood ang interview ni Kris Aquino sa KrisTV ng ABS-CBN sa mag­dyowang Pokwang at Lee O’Brien ay hindi maubos ang kilig na ibinibigay ng lovebirds.

Ito ay dahil bongga ang saya ng Pasko ng ko­medyana dahil nandito muli ang dyowa niyang si Lee. At pinakamagandang regalo naman nito ay nag­desisyon na ang nobyo na manatili sa bansa for good.

Masuwerte rin si Lee kay Pokwang na bukod sa good catch, mabait, ay masarap pang magluto. At kahit mag-stay nga naman sa bansa ay puwedeng magka-career ang foreigner-boyfriend ni Pokwang.

Sa maikling panahon na pagsasama nina Lee at Pokwang ay marami na agad pagsubok silang hinarap. Hindi inakala ni Pokwang na magbi-breakdown ang malaking tao at macho niyang nobyo nang makunan siya. Kaya mas lumalim at pinagtibay pa ng trials ang pagmamahalan ng magsing-irog.

Kaya mabilis din naka-recover si Pokie dahil sa love at tulong ng Canadian actor. Ipinagkatiwala na rin niya ang lahat sa kanyang kapalaran. Pero hindi siya sumusuko na magkakaanak kahit mahirap na sa edad nitong 44 years old.

Pinatunayan naman ni Lee na love niya ang nobya magkaroon man sila ng anak o hindi. Basta gusto niya raw ay ang makasama si Pokwang at mananatili raw siya sa tabi ng kanyang mahal.

Kaya sobrang na-touch si Kris sa kuwento ng love life ng dalawa lalo na ang pagmamahal ni Lee sa kanyang co-host at kaibigan na si Pokie.

Nagbiro nga si Kris na agad-agad ay go na siya U.S.   at baka nga makatisod din siya ng tulad ni Lee. Kaya masaya si Kris kay Pokie at naiyak pa ang TV host na inggit dahil nasagot na ang panalangin nila ng komedyante na makatagpo ito ng true love sa katauhan ni Lee.

ACIRC

ANG

BRIEN

IPINAGKATIWALA

ITO

KAYA

LEE

LEE O

MASUWERTE

NAGBIRO

POKWANG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with