Coco hindi nagpapa- pressure sa MMFF
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 19, 2015 - 9:00am

First time pala ni Coco Martin na gumawa ng comedy movie at first time din siyang maididirek ni Wenn Deramas sa Beauty and The Bestie na entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa December 25, katambal ang best friend niyang si Vice Ganda.

Ayaw magpa-pressure ni Coco Martin na magiging blockbuster daw ang movie nila sa MMFF lalo pa at kasama nila ang love team nina James Reid at Nadine Lustre.

Masaya raw siya kahit anong genre ng movie ang gawin niya, drama, action at ngayon nga, comedy.

Proud siya kung kumikita ang kanyang ginawang movie, pero hindi niya iniisip kung kikita ba o hindi ang movie habang ginagawa niya ito.

Baka raw habang nagsu-shooting siya, iyon ang isipin niya at ma-pressure pa siya kung ano ang dapat niyang gawin sa eksena.  Ina­min ni Coco na medyo nanibago siya dahil nag-comedy nga siya.

Pero in-enjoy daw niya ang shooting dahil laging masaya sa set.

Isa pa, masayahin daw na director si Wenn Deramas, kaya walang dull moment in between takes.

Ano ang wish niya ngayong Pasko?  Marami na raw blessings siyang natanggap at ang wish niya sana raw ay magustuhan ng mga manonood ang kanilang movie.

Meryll hindi inaasahan papalabas ng holy… sa pasko

Kanya-kanya na ngang promote ng movie ang cast ng iba pang MMFF entries.

Isa nga sa biniro namin sa presscon ng Honor Thy Father ay si Meryll Soriano dahil hindi raw niya in-expect na makakasali pa sa festival ang mo­vie nila matapos silang ma-reject.

Tungkol sa scam ang movie na first time niyang makakatambal si John Lloyd Cruz, who will play her husband na napakabait, wholesome ang cha­racter hanggang sa kanyang nagawang pagkakamali, ang asawang si Edgar (JLC) ang nag-suffer, physically and mentally.

Tiyak daw maraming ma­kaka-relate sa story ng movie nila na dinirek ni Erik Matti na first time din niyang naka­trabaho.

Alden at Maine, walang kapaguran

Tuloy din ang promo nina Alden Richards at Maine Mendoza ng MMFF entry nila with Bossing Vic Sotto and AiAi delas Alas, ang My Bebe Love #KiligPaMore at tuloy ang kilig ng AlDub Nation dahil may part two ang Vampire Ang Daddy Ko tonight sa GMA 7.

Last Sunday ay guests din ang magka-love team sa Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA 7 at Reel Time sa GMA News TV pero muling ipi-feature ni Jessica Soho sina Alden at Maine para sa kanyang Christmas at New Year presentation ng number one magazine show every Sunday evening.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG BEAUTY AND THE BESTIE BOSSING VIC SOTTO COCO MARTIN ERIK MATTI HONOR THY FATHER MOVIE NIYA WENN DERAMAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with