^

Pang Movies

Pia pressure pa more sa sunud-sunod na pananalo ng Pinas sa mga beaucon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Lumipad sa Las Vegas si Mrs. Stella Marquez de Araneta para bigyan ng moral support si Pia Wurtzbach, ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2016.

May online voting ang Miss Universe tungkol sa mga kandidata na type na manalo ng mga mahihilig sa beauty contest.

Huwag tayong magugulat kapag na­nalo si Pia dahil hobby ng mga Pilipino ang magbabad sa Internet shops at bumoto. Ilang Pilipina na ang nanalo ng Miss Photogenic special award ng Miss Universe dahil masipag at aligaga sa text votes ang mga Pinoy.

May pressure ang pagsali ni Pia sa Miss Universe dahil first runner up sa Miss Intercontinental 2015 ang kanyang Bb. Pilipinas batchmate na si Christi Lynn McGarry.

Naging semi-finalist at Best Dresser awardee naman sa Miss International 2015 si Janicel Lubina na kasamahan din nila sa Bb. Pilipinas.

Beauty queen na si Janicel Lubina parang starlet pakalat-kalat sa Cubao

Madalas na nakikita na pakalat-kalat sa Araneta Center sa Cubao si Janicel Lubina.

Takaw-pansin si Janicel kapag rumarampa sa Farmers Market at sa mga mall sa Cubao dahil sa kanyang height at kulay.

Hindi alam ng ibang mga tao na beauty queen si Janicel pero pinagtitinginan siya ng mga nakaka-sight sa kanya.

Bilang reigning beauty queen, dapat pangalagaan ni Janicel ang kanyang beauty title at reputasyon. Iwasan niya na magpakalat-kalat sa Cubao dahil wala siyang ipinagkaiba sa mga starlet na hindi sumikat sa showbiz kaya kung saan-saan na lang nakikita.

Sarah at Steven, no show sa grand finals ng Starstruck

Wala sina Sarah Lahbati at Steven Silva sa grand finals ng Starstruck VI na live na napanood kagabi sa GMA 7.

Nag-ober da bakod na sina Sarah at Steven sa ibang mga te­levision network kaya no-show sila sa huling gabi ng reality-based artista search na malaki ang nagawa na pagbabago sa mga buhay nila.

Umapir kagabi si Rainier Castillo na matagal nang hindi active sa showbiz dahil super in love sa kanyang girlfriend.

Isa si Rainier sa mga promising star ng Starstruck I pero somewhere along the way, nag-iba ang ihip ng hangin at naapektuhan ang kanyang flourishing noon na showbiz career.

Malaki naman ang pressure sa mga mananalo sa Starstruck VI dahil kailangang mapatunayan  na deser­ving sila sa tiwala na ibinigay sa kanila ng GMA 7 at ng fans na sinuportahan ang Starstruck journey nila.

Sa mga eliminated contestant, hindi pa tapos ang laban dahil may chance pa sila na sumikat at matupad ang pangarap na ma­ging artista.

Perfect example si Alden Richards na super sikat ngayon kaya walang mag-aakala na naligwak siya sa auditions ng Starstruck V na sinalihan niya noong 2009.

Susan hoping na matatagpuan ang biological parents ni SGP

Never na itinuring ni Susan Roces na ampon o pulot ang kanyang anak na si Senator Grace Poe.

Bilang adoptive mother ni Mama Grace, nasasaktan si Manang Inday kapag tinatawag na ampon ang kanyang anak.

Pero suportado ni Manang Inday ang paghaha­nap ng anak niya sa mga tunay na magulang nito.

Umaasa at ipinagdarasal ni Manang Inday na matatagpuan na ni Mama Grace sa lalong madaling panahon ang tunay na pinagmulan.

ACIRC

ANG

CUBAO

DAHIL

JANICEL

JANICEL LUBINA

MAMA GRACE

MANANG INDAY

MGA

MISS UNIVERSE

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with