^

Pang Movies

Joey may naisip na agad show sa mga contestant ng StarStruck

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ngayong gabi na malalaman kung sino ang mananalo sa StarStruck season 6 ng GMA 7.  

Bago tanghalin ang susunod na Ultimate Male at Female winners magpapatalbugan muna ang apat na natitirang contestant na sina Elyson De Dios, Migo Adecer, Ayra Mariano, at Klea Pineda sa kanilang final performances.

Pasabog din ng StarStruck The Final Judgment ang pagdating ng Pambansang Bae na si Alden Richards bilang special guest ng show.

Bilog talaga ang mundo dahil kahit hindi man nakapasa sa nasabing artista search ng GMA 7 si Alden noon, mas bongga naman ang career niya ngayon kumpara sa ibang winners ng StarStruck tulad ni Aljur Abrenica.

Napunta rin ang mga magagandang projects kay Alden mula nang mawala sa eksena si Aljur.

Samantala, umiral naman ang pagiging henyo ni Joey de Leon na isa sa councils ng StarStruck dahil ngayon pa lang ay may naiisip nang puwedeng show kina Migo at Elyson. 

Perfect combination kay Joey ang baluktot na pananagalog ni Elyson at puwede na raw translator si Migo. Ngayon pa lang ay kinakitaan na agad ng akting at pagiging comedian ang dalawa.

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ANG

AYRA MARIANO

ELYSON

ELYSON DE DIOS

FINAL JUDGMENT

KLEA PINEDA

MIGO

MIGO ADECER

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with