^

Pang Movies

John Lloyd at Angelica, hiwalay sa Pasko

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Maghihiwalay sa Pasko sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

May-I-share kahapon ni John Lloyd sa presscon ng Honor Thy Father na hindi sila magkasama ng kanyang dyowa sa Pasko.

Magbabakasyon daw si Angelica at ang pamilya nito sa Japan.

Hindi naman sinabi ni John Lloyd ang pupuntahan niya sa Pasko pero sigu­radong magkakasama sila ng kanyang pamilya.

Hindi makaka-join si John Lloyd sa Japan trip ni Angelica dahil magiging busy siya sa promo ng Honor Thy Father na official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

First time ni John Lloyd na magkaroon ng pelikula na kasali sa MMFF kaya excited siya.

Ex ni Jolina, head na ng Talent Center ng TV5

Si Atty. Bebong Muñoz ang bagong head ng Talent Center ng TV5.

The who si Bebong? Pamilyar ang name ni Bebong dahil ex-dyowa siya ni Jolina Magdangal.

Walang nag-akala na darating ang araw na magi­ging bahagi rin si Bebong ng showbiz dahil nag-ma­nage siya ng mga artista at ngayon, head ng talent center ng Kapatid Network.

Si Bebong ang bumangka kahapon sa Christmas Party for the Entertainment Press ng TV5.

Ikinuwento niya sa entertainment press ang malalaking plano at programa ng Kapatid Network sa 2016.

Ang sey ni Bebong, phone pals na sila ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films dahil ito ang Chief Strategist ng TV5.

Walong malalaking show ang mapapanood sa TV5 sa first quarter ng 2016 ang buong pagmamalaki na ibinalita ni Bebong sa mga reporter na umapir sa Christmas party.

Matapos i-broadcast ang address bahay ni Mar Roxas, dinadagsa

Dumami pala ang dumaraan sa harap ng bahay ni former DILG Secretary Mar Roxas mula nang i-broadcast nito sa TV ang kanyang home address nang hamunin niya ng sampalan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Na-curious ang mga usisero na ma-sight ang Cubao house ni Papa Mar dahil sa challenge nito na puntahan siya ni Papa Rody para sa kanilang sampalan portion.

Sinabi ng mga “nag-excursion” sa harap ng bahay ni Papa Mar na daanan ng mga sasakyan na napakataas ng bakod ng tahanan ng standard bearer ng Liberal Party.

Kahit pumunta raw si Papa Rody sa bahay ni Papa Mar, hindi siya makakapasok at lalong hindi papasukin ng mga security guard.

At dahil sinabi ni Papa Mar sa national television ang complete address ng kanyang bahay, alam na ito ng buong mundo kaya na­ging instant tourist spot ang lovenest nila ni Mama Koring Sanchez.

Jose ayaw na maging lola!

Type na pala ni Jose Manalo na maging as himself sa kalye­serye ng Eat Bulaga.

Kunsabagay, mas magaling si Jose sa pagpapatawa kapag hindi siya in character.

Magkaiba sila ni Wally Bayola na mas pinapanood sa karakter nito na Lola Nidora.

Matatagalan pa siguro ang wish ni Jose na ma­ging normal na uli siya sa Sugod Bahay at kalyeserye ng Eat Bulaga dahil gustung-gusto ng televiewers ang kanyang Lola Tinidora character.

May special participation nga pala sa My Bebe Love ang tatlong lola ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Nagtatanong ang fans kung sasali ba raw sa Parade of Stars ng MMFF sina Lola Nidora, Lola Tidora at Lola Tinidora?

ACIRC

ALIGN

ANG

BEBONG

EAT BULAGA

HONOR THY FATHER

JOHN LLOYD

LEFT

PAPA MAR

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with