Kris ‘nagdurusa’ sa pananahimik!

Jun Lalin (Pang-masa) - December 16, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ngayon ang third day ng pagre-rest ni Kris Aquino dahil sa order ng kanyang doctor na magpahinga or else, tuluyang magsa-suffer ang kanyang boses at hindi mawawala ang kanyang pamamalat!

Ayon kay Darla Sauler na headwriter ng KrisTV at super-close kay Kris, medyo improving naman daw ang tinaguriang Queen of All Media.

Nang makatsikahan ko kahapon si Darla, sinabi niyang behaved na si Kris at patuloy ang vocal rest.

“Medyo ok na siya, pero hindi pa rin 100% balik ang boses sa natural. Vocal rest pa rin si Kris!” sey ni Darla.

Hindi nga lang doktor niya ang nagpayo kay Kris na magpahinga. Pati mga kapatid at mga kaibigan, winarningan na rin siya sa sobrang kasipagan.

So, kahit ayaw sana, walang nagawa si Kris kundi ang magpahinga.

Sa ngayon nga raw, halos hindi nagsasalita ang TV host/actress dahil kailangan niyang gumaling talaga para makapagtrabaho na sa Sunday at magge-guest siya sa ASAP 20 at makapag-taping ng KrisTV.

Eh, napaka-workaholic ni Kris, kaya dusa para sa kanya ang “pananahimik” para gumaling kaagad, huh!

Teka! Makakapagpa-presscon pa kaya ang Star Cinema para kay Kris para sa All We Need Is Pag-ibig na Metro Manila Film Festival 2015 entry nila?

Richard ayaw panoorin ang sobrang pagpapa-sexy ni Sarah

Sa book launch ng kanyang ‘Day, Hard (Lakas ng Loob, Kapal ng Mukha) under ABS-CBN Publishing, nausisa si Annabelle Rama kung hindi ba pinag-aawayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang sexy dance numbers ng huli sa ASAP 20.

Kapansin-pansin kasi pati ang mga seksing kasuotan ni Sarah sa production number niya sa ASAP 20 tuwing Sunday.

“Sinabihan ko na si Chard na huwag na lang manood para hindi sila mag-away ni Sarah. Kasi kung manonood si Chard, mag-aaway lang sila palagi. Eh, trabaho naman ang ginagawa ni Sarah.

“Noon kasi ako kay Eduardo (Eddie Gutierrez), lahat ng mga pelikula niya, pinapanood ko. Naaapektuhan ako kapag napapanood ko ang bed scenes o kissing scenes niya sa mga leading lady niya. Ang ending, nag-aaway kami ni Eduardo.

“Kapag napapanood ko, hindi maiwasan na hindi ko siya ina-nag. Para wala na kaming away ni Eduardo, hindi ko na lang pinapanood ang mga pelikula niya.

“Kahit kasi sabihing acting lang ‘yon, hindi puwedeng hindi ka maapektuhan.

“So, si Chard naman, sinusunod naman ang payo ko. Saka sabi ko kay Chard, hindi maiiwasan pati ang kissing scenes kaya pagbigyan na niya si Sarah dahil gusto rin namang sumikat no’ng tao. At least, magaganda naman ang projects ni Sarah ngayong nasa ABS-CBN na siya!” pahayag ni Bisaya.

Panggagayuma kay Eddie ikinuwento ni Annabelle sa kanyang libro

Kahapon nga ay lumabas na ang ‘Day, Hard! (Lakas ng loob, Kapal ng Mukha) book ni Bisaya na ang ABS-CBN Publishing ang publisher.

Nakakaloka nga ang nilalaman ng book ni Bisaya na pati tungkol sa mga sabunutan niya sa mga babae noon ng mister na si Eddie Gutierrez ay kasama rin.

Sa halagang P175 nga ay mababasa ang lahat ng techniques ni Bisaya pati sa panggagayuma niya noon kay Tito Eddie at pati ‘yung pagdala niya sa naging mister sa isang beach resort sa Cebu noong virgin pa siya at dahil sa natulala raw siya noon ay ni hindi man lang niya nahalikan ang tatay ng kanyang mga anak.

Ang head nga pala ng ABS-CBN Publishing na si Mr. Ernie Lopez ang nag-offer kay Bisaya na gumawa ng book at masaya raw ang publisher dahil sa ganda ng ‘Day, Hard!

Gelli balik-loob na sa Dos?!

Nag-guest si Gelli de Belen sa KrisTV at dahil doon, marami ang nagdududang baka babalik sa ABS-CBN ang misis ni Ariel Rivera.

Mula GMA 7 noon dahil sa Ober da Bakod, nag-ABS-CBN si Gellie hanggang nag-ABC5 sa Tropang Trumpo at napunta na naman sa GMA 7 at after mawala ang SiS ay nag-TV5 naman.

At ngayon nga, natsitsikang magbabalik-Kapamilya network daw si Gellie.

Hindi pa nagre-react si Gelli sa tsikang ito, pero freelancer lang daw siya ngayon dahil wala namang exclusive contract sa TV5.

Ang show nga lang daw niya ngayon sa TV5 ay Happy Truck ng Bayan.

Offer ng Viva inisnab nga ba?

Ritz hoping na magiging Kapamilya

Ang tsika, hindi raw tinanggap ni Ritz Azul ang offer sa kanya ng Viva Television para isama sa cast ng isang bagong series ng TV5.

Mukhang lilipat sa ibang TV network si Ritz kapag nag-expire ang contract niya sa TV5 next year.

Sabi, umaasa raw si Ritz na mapapasali sa isang show ng ABS-CBN.

May inquiry nga raw kay Ritz ang isang executive ng Kapamilya network.

Mukhang dedma lang naman si Boss Vic del Rosario na hindi tinanggap ni Ritz ang offer ng Viva Television.

ACIRC ANG BISAYA DAHIL EDDIE GUTIERREZ HINDI KAY LANG MGA NGA NIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with