Hollywood actor na si Joshua Jackson nasa ‘Pinas para sa Nat Geo
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - December 16, 2015 - 9:00am

Dumating sa Pilipinas noong nakaraang December 12 ang Hollywood actor na si Joshua Jackson.

Isa si Joshua Jackson sa bida ng hit teen drama series of the ‘90s na Dawson’s Creek kung saan co-stars niya sina James Van Der Beek, Katie Holmes at Michelle Williams.

Lumabas din si Joshua sa mga pelikulang The Mighty Ducks, Scream 2, Urban Le­gend, Apt Pupil, The Skulls, Cruel Intentions at Gossip.

Karelasyon niya ang aktres na si Diane Kruger.

Kasama nga ang Pilipinas sa binisita ng Canadian actor para sa isang documentary na ginagawa niya para sa National Geographics titled Years of Living Dangerously na tungkol sa effects ng climate change sa mundo.

Nag-shoot nga ang crew ni Jackson sa Apo Island sa may Du­maguete.

Nag-post si Jackson ng ilang photos sa kanyang Instagram account at tuwang-tuwa siya sa hospitality ng mga Pinoy.

“The adventure begins... 21 days, 6 stops, 1 complete trip around the planet! Jules Verne eat your heart out,” caption pa niya.

Eere ang ginagawang documentary ni Jackson sa National Geographic channel in 2016.

Enzo civil na ang relasyon kay Louise

Hindi raw naging problema para kay Enzo Pineda ang makatrabaho ulit ang ex-girlfriend na si Louise delos Reyes at Aljur Abrenica sa historical film na Hermano Puli.

Para kay Enzo ay trabaho lang daw ang lahat at civil naman daw sila nila Louise at Aljur.

Kung matatandaan ay karelasyon ni Enzo si Louise noong ma-link ito kay Aljur habang ginagawa nila ang teleserye na Kambal Sirena noong nakaraang taon.

Pero nag-move on na nga si Enzo at may non-showbiz girlfriend na ito.

“Walang problema sa akin kasi trabaho ito. Kami ni Louise, civil kami sa isa’t isa. With Aljur naman, marami akong eksenang kasama siya kaya kailangan ay okey kaming magtrabaho.

“Ayokong pakawalan ang opportunity na ito,” diin ni Enzo.

Ngayon Pasko ay si Enzo naman daw ang magbibigay ng regalo sa kanyang pamilya.  Kung noon daw ay tumatanggap lang siya, ngayon ay siya na ang magbibigay.

Justin Bieber tinuhog ang magkapatid na sina Kendall at Kourtney

Nag-deny si Kourtney Kardashian na nagde-date sila ngayon ni Justin Bieber.

Pero matagal na ngang nabalitang sikreto silang nagde-date ng Canadian pop star simula pa noong October, ilang buwan pagkatapos nitong makipaghiwalay sa ama ng kanyang mga anak na si Scott Disick.

Minsan nang nahuli ang nakakatandang kapatid nila Kim and Khloe Kardashian na nanggaling sa Beverly Hills Hotel suite ni Bieber at umalis ito ng alas kuwatro ng madaling-araw.

Ilang beses na siyang tinanong ng kanyang mga kapatid kung ano ba ang nangyayari sa kanila ni Justin? Laging sinasabi ni Kourtney na walang nangyayari intimate sa kanila ni Bieber.

Nakakagulat lang dahil unang na-link si Bieber sa half sister ni Kourtney na si Kendall Jenner.

 

ACIRC ALJUR ALJUR ABRENICA ANG APO ISLAND APT PUPIL BIEBER ENZO JOSHUA JACKSON JUSTIN BIEBER KOURTNEY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with