Alden at Yaya Dub sa probinsiya lang magpo-promote na magkasama!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 16, 2015 - 9:00am

Maraming miyembro AlDub Nation ang nagtatanong kung kailan magkasamang magmo-mall show sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Metro Manila to promote their Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Bebe Love.

Sorry to disappoint you guys, walang mall show ang cast sa Metro Manila, swerte ang mga taga-Cebu, dahil ngayong Thursday, December 17, magpu-promote doon ang cast ng My Bebe Love at tomorrow, December 18, nasa Davao City naman sila for a mall show.

So, doon na isi-celebrate nina Alden at Yaya Dub ang kanilang 23rd weeksary ngayong Thursday.  May sariling fans day si Alden sa Davao at 5:00 p.m. at sa gabi ang last leg ng kanyang show sa Casino Filipino.

Babalik din ang buong cast on Saturday, December 19 para mag-promote sila ng movie sa Eat Bulaga, the last day na live ang noontime show.  Sa December 21, premiere night nila sa Cinema 9 & 10 ng SM Megamall at sa December 23 ang

Rich tinatawanan na lang si Aljur

Magkasama ngayon sa Little Nanay sina Kris Bernal at Rich Asuncion, kaya nabuhay na naman ang issue na dating sina Aljur Abrenica at Rich noon, pero hindi sila umamin, dahil that time ay sina Aljur at Kris ang magka-love team.

Ngayon ay tinatawanan na lamang iyon ni Rich at naka-move-on na raw siya at happy siya sa buhay niya, hindi niya itinanggi na may karelasyon siya ngayon, si Ben Mudie, an Australian  Philippine Volcanoes player.

“Okay naman kami ni Kris, hindi na dapat pag-usapan pa ang nakaraan,” sagot ni Rich.  “Friends naman kami, hindi nga lamang iyong naging very close pero, kapag nagkikita, nagkukumustahan naman kami dahil magkasama nga kami sa Starstruck 4.”

Inamin na rin ni Rich na management decision at decision na rin nina Aljur at Kris ang i-maintain ang loveteam nila.

Natutuwa raw siya dahil mas nakabuti naman iyon sa kanila.

Siya for one, ay hindi naman pinabayaan ng GMA, lagi siyang may project, pinayagan pa siyang ipagpatuloy niya ang studies niya.

Very considerate raw nila sa kanya, kaya wala raw siyang balak lumipat ng network dahil masaya siya sa GMA.

Hindi na raw siya nag-aspire na makaganap ng lead roles, maganda nga raw na iba’t ibang roles ang nagagampanan niya, mabait, kontrabida,  kaya forever grateful siya sa network.

Aware si Rich na for a while, nagpa-release sa contract niya sa GMA si Aljur, pero mabuti at nakabalik na muli siya sa Kapuso Network.  Ano ang wish niya kay Aljur?

“I wish him na sana ay makabawi siya, maka-get back para mag-move na muli siya sa career niya.  Naging parte rin naman siya ng buhay ko.”

Hindi rin naman nawawalan ng ginagawang movie si Rich, ngayon nga ay kasama siya sa indie film na Si Tita Ang Nanay Ko para sa Anak OFW Film Festival, kasama sina Gelli de Belen, Nicole Dulaliua at Andrea del Rosario, sa direksyon ni Jenny Pearl Ninalga.  Nai-showing na ang movie at nag-compete nga sila sa OFW Film Festival.

ACIRC ALJUR ANG FILM FESTIVAL METRO MANILA MY BEBE LOVE NAMAN NBSP NIYA RICH SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with