^

Pang Movies

Pero nakabiyahe na, Angel hindi pa raw talaga ayos ang likod!

Jun Nardo - Pang-masa

Hindi naman pala totoong naoperahan sa likod si Angel Locsin. Check up lang daw ang ginawa niya sa ibang bansa.

Eh sa mga post ng boyfriend niya na si Luis Manzano, nagawa pa nilang bumiyahe sa Las Vegas ng girlfriend, huh! Aba, mahaba ang biyahe papuntang Vegas. So kung iniinda ng aktres ang likod niya, mahihirapan siyang bumiyahe, ‘di ba?

Mukha namang hindi pa yata matutuloy ang showing ng movie ni Angel kasama ang soon to be mother in law niyang si Gov. Vilma Santos-Recto. So pasyal-pasyal muna si Luis habang may time pa, huh!

Karelasyong government official ng aktres, nagpapaka-low profile

Nakilala namin ang government official na boyfriend ng isang aktres. In fairness, guwaping din siya at soft spoken. Hindi siya feelingero na porke may posisyon sa gobyerno eh, mayabang ang dating.

No wonder, in lab na in lab ang aktres sa boyfriend. Tahimik lang ang dating ng opisyal at hihingi sana kami ng short interview sa kanya pero umiwas dahil nga low profile ang dating niya!

Janine malabong makasingit kay Alden

Iba’t ibang Kapuso actor ang ipinapareha ngayon kay Janine Gutierrez dahil giba na ang loveteam nila ni Elmo Magalona na lumipat na sa Kapamilya network.

Sa morning series niyang Dangwa, sina Mark Herras at Aljur Abrenica ang karomansa niya.

May lumutang ding balita na magsasama sila ni Alden Richards sa isang teleserye next year. Pero clueless ang young actress sa planong ito ng GMA 7. Saad niya nang ipainterbyu ng GMA Artist Center, “Deserving naman ni Alden ang nangyayari sa career niya ngayon. Pero ‘yung magsasama kami sa isang series, I don’t know. Bali-balita lang ‘yon.”

Bukod sa TV series, lumalarga na rin si Janine sa movies. Una niyang mainstream movie ang MMFF entry na Buy Now Die Later at may indie films pa siyang ginagawa.

“Actually, ‘yung sa Buy Now, hindi ko alam na kasama ako roon nu’ng una. Like a few months ago, may nagtu-tweet sa akin. ‘Uy, may movie ka.’ Tinu-tweet pic nila ‘yung entries sa filmfest at nandoon ang pangalan ko. ‘Uy, hindi totoo ‘yan. Wala po akong alam!’ sabi ko sa kanila.

“Tapos, isang araw, si Mama, pumasok sa kuwarto ko. May hawak na script. ‘Surprise! My God, hindi mo sinabi. Tin-tweet ko na hindi totoo ang tsismis!’ ‘Yun pala, ‘yun na nga ‘yon,” hayag niya.

Eh sa BNDL, tiniis ni Janine ang eksenang ginagapangan siya ng ipis. Though computer generated ‘yung ibang insekto na gumapang sa katawan, hindi siya nakapagreklamo nang lagyan siya ng isang malaking ipis kahit na cultured ‘yon, huh!

“Merong totoo sa ipis! Ipis na malaki. Tapos, ang yabang-yabang ko pa. Tinatanong ako ni Direk Raldolph (Longjas), ‘O, ano? Kaya mo ba? ‘Oo naman direk!’ Tapos, nang nilagay na, nagwala talaga ako! Hindi ko pala kaya! Ha! Ha! Ha! Nakunan naman pero take two lang!” chika pa ni Janine.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ANG

ANGEL LOCSIN

ARTIST CENTER

BUY NOW

HINDI

JANINE

NIYA

TAPOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with