^

Pang Movies

Jericho tinuruan ng direk na maging bitter

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Excited na si Jericho Rosales sa kanyang first romantic comedy film na #Walang Forever kapareha si Jennylyn Mercado na official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF). Matagal nang gustong gumawa ni Jericho ng romcom kaya hindi na niya pinakawalan ang pagkakataon. Paliwanag ni Jericho sa isang interview na malaking tulong na pinakinggan niya si Direk Dan Villegas kung paano ang pag-atake sa character niyang bitter at walang pakialam sa mundo. Tinitiyak ni Jericho na magugustuhan ng mga manonood ang makulit na hugot movie dahil na rin sa magic ni Jennylyn at sa subok nang direksyon ni Direk na pinaghirapan ng buong cast. Looking forward naman ang aktor sa mga gagawin niyang projects sa susunod na taon na pelikula at teleserye. Balak din niyang mag-produce at gumawa ng mas maraming pelikula. Sinabi rin nito na excited siya sa pagsabak sa stage play next year.

Samantala, hindi naman naiinip si Jericho kung hindi pa sila nagkakaanak ng misis niyang si Kim Jones. Naiintindihan niya na hanggang ngayon ay nag-a-adjust pa rin ang asawa sa set up nila. Nasanay kasing nagta-travel ang misis nito na hinahayaan lang ng aktor na gawin ang gusto. Pareho naman daw silang supportive sa isa’t isa. Marami ring na-discover si Jericho sa buhay may-asawa na masaya at  patuloy pang natututo sa kanilang journey ni Kim.

Ayra susubukang ‘di biguin si Joey

Hindi makalimutan ni Ayra Mariano si Joey de Leon na nagbigay sa kanya ng fast track vote kaya ito nakaabante agad sa Starstruck ng GMA 7. Grateful ang bagets kay Joey na itinuturing na henyo at legend sa showbiz industry sa pagtitiwalang ibinigay nito sa kanya. Sa tanong kung bakit siya ang dapat na manalo bilang Ultimate Female Starstruck, hard-working daw kasi siya, determinado, at willing pang matututo kahit mahilig na siyang kumanta at pag-arte ang passion niya.

Patutunayan daw niyang hindi nagkamali si Joey at iba pang fans na naniniwala sa kanya para manalo sa darating na Sabado. Nagpapasalamat din si Ayra sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

Samantala, pangarap naman ng 17-year-old at 1st year college sa kursong Mass Comm sa Bulacan State University na makatrabaho sina Alden Richards, Marian Rivera, at Carla Abellana.

ALDEN RICHARDS

ANG

AYRA

AYRA MARIANO

BULACAN STATE UNIVERSITY

CARLA ABELLANA

DIREK DAN VILLEGAS

JENNYLYN MERCADO

JERICHO ROSALES

KIM JONES

MARIAN RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with