Angelica proud GF sa nangyari kina John Lloyd at Bea
- Vinia Vivar (Pang-masa) - December 14, 2015 - 9:00am

Halatang proud girlfriend si Angelica Panganiban ni John Lloyd Cruz nang mag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng congratulatory message dahil sa success ng A Second Chance na movie ni Lloydie and Bea Alonzo.

Nag-post ng picture si Angelica ng isang scene sa movie at sa caption ay nakasaad na: “Congratulations Popoy and Basha. Nawa’y maramdaman ng bawat tao ang tunay na pag-ibig, gaya ng meron kayo para sa isa’t isa.”

Ang Popoy at Basha ay ang mga karakter nina JLC and Bea sa One More Chance 8 years ago at ngayon, sa A Second Chance.

Sa ngayon ay record holder na ang A Second Chance for highest-grossing local non-Metro Manila Film Festival (MMFF) movie of all time.

Mar at Korina, nagpakita ng ‘lighter’ side sa press

Sa simpleng thangksgiving and Christmas party for the entertainment press na ibinigay ni Mar Roxas at asawang si Korina Sanchez recently na ginanap sa Novotel Hotel ay nakita ng lahat ang lighter at fun side ng mag-asawa.

Sa loob ng maraming taon, kilala si Mar bilang isa sa pinakamarangal at hard-working na public servants ng bansa habang si Korina naman ay sumikat ng husto bilang isang hard-hitting broadcast journalist.

Kaya magandang sorpresa sa press na makitang nag-eenjoy sina Mar at Korina ng kasama sila sa selebrasyon ng pasko.

Walang politikang nagpag-usapan sa salu-salo at pinasamalatan nina Mar at Korina ang press para sa ilang taong pagmamahal at suportang binigay nila sa mag-asawa.

Ang highlight ng gabi ay ang mga impromptu performances mula sa mag-asawa. Sinorpresa niya ang mga bisita ng isang impromptu song number at kinanta niya ang To Love Somebody ng Bee Gees kasama ang mga Congressmen at mga dating aktor na sina Dan Fernandez at Alfred Vargas.

Maging si Korina ay game na game na pinagbigyan ang request ng press na umawit din on the spot, matapos ang cute na performance ni Mar.

Medyo kinakabahan si ate Koring nung umpisa, pero nag-enjoy na rin siya ng todo habang inaawit ang OPM classic na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.

 Everyone had a very great time including the couple, lalo pa nga’t minsan lang silang lahat mag-enjoy since busy nga rin at very hectic ang schedules. Natapos ang gabi sa isang energy-packed rock­kaoke sing-off contest para sa press. 

Alex tinalbugan na sa rami ng projects si Toni

Itinanggi ni Alex Gonzaga na nao-overshadow na niya ang kapatid na si Toni Gonzaga dahil mas marami pa siyang projects ngayon sa kanyang ate.

“First of all, what’s overshadow?” pa-joke niyang tanong. “Hindi po, kasi ang dami rin pong ginagawa ngayon ng aking kapatid. Kakatapos lang niya sa PBB (Pinoy Big Brother), mayroon din po siyang pelikula and mayroon din siyang teleseryeng gagawin.

“Siguro, hindi n’yo lang siya na­kita ng mga 2 months kasi nag-ho­neymoon sila nang sobra ni Direk Paul (Soriano, mister ni Toni). ‘Yung mga hindi nila nagawa habang may PBB, hinanimun nila ngayon. Tinodo nila,” say ni Alex.

May pelikulang kasama ngayon si Alex sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula on Christmas Day, ang horror-comedy na Buy Now, Die Later with Vhong Navarro.

Ginagampanan ni Alex sa Buy Now, Die Later ang papel ni Chloe na sobrang dying maging artista at singer.

“Dito, makikita n’yo sa pelikula namin na talagang lahat ng sobra, bawal. Hindi maganda ‘pag sobra-sobra. Good siya, especially sa mga bashers, okay siya,” say pa ni Alex na ikinatawa namin.

Ang nakakatuwa, dati ay si Toni ang leading lady ni Vhong pero nga­yon ay ang younger sister na nito ang katambal niya.

“Hindi pa artista si Alex, matagal ko nang kilala, kasi laging sinasama ni Toni ‘yan, noong time ng Wazzup, Wazzup days, so, talagang bata pa lang ‘yan, may gatas pa sa labi, may uhog pa, nakakasama ko na, kaya talagang close kami niyan,” sey ni Vhong

 

A SECOND CHANCE ACIRC ALEX ANG BUY NOW DIE LATER KORINA METRO MANILA FILM FESTIVAL MGA NBSP TONI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with