^

Bingi-bingihan Vice Ganda, dedma sa mga nagsasabing JaDine ang magdadala ng kanyang pelikula

Jun Lalin (Pang-masa) - December 13, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Mukhang dedma lang si Vice Ganda sa sinasabi ng iba na sina James Reid at Nadine Lustre ang magdadala ng Beauty and the Bestie. Malakas ang dating ng nasabing pelikula dahil bukod kina Vice at Coco ay bida roon ang JaDine loveteam.

Malakas ang On The Wings of Love kilig-serye ng JaDine sa primetime bida ng Kapamilya network at tiyak na susuportahan ng kanilang fans ang co-production venture ng Star Cinema at Viva Films. Makikipagpukpukan ito sa takilya sa My Bebe Love na kasama naman ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza (o Yaya Dub) bukod sa mga bidang sina Vic Sotto at AiAi delas Alas.

Hindi basta papayag ang JaDine fans na magpahuli ang pelikula ng kanilang mga idolo sa pelikula ng AlDub!

Theme song ng All We Need… nakaka-LSS

Nakaka-LSS (last song syndrome) ang theme song na kinanta ni Yeng Constantino para sa pelikulang All You Need Is Pag-Ibig.

Malakas ang recall ng theme song, kaya malakas din ang dating ng All We Need Is Pag-ibig na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Derek Ramsay, Kim Chiu, Xian Lim, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Pokwang at Bimby Aquino Yap. Mukhang hindi pambata ang pelikula, pero baka makahatak pa rin ng mga batang manonood sina Bimby, Talia Concio at Julia Concio.

Nova Villa naging emosyonal sa pagtungtong sa Kapamilya

Kasama rin sa cast ng All We Need Is Pag-ibig ang veteran stars na sina Nova Villa at Ronaldo Valdez. Sabi ni Tita Nova sa presscon ng pelikula, masarap ang umibig.

Medyo emotional nga pala si Tita Nova nang muling tumuntong sa bakuran ng ABS-CBN para sa presscon ng All We Need Is Pag-ibig. Matagal na panahon ding naging loyal sa Kapamilya network si Tita Nova hanggang lumipat siya sa TV5 at ngayon nga ay sunud-sunod na ang shows niya sa GMA 7.

Who knows, in the future, baka makabalik naman uli sa Dos si Tita Nova.
Merry-go-round lang naman ang drama ng mga artista.

Palipat-lipat ng TV networks. Kung saan may trabaho, doon sila!

Star Magic artists, umapir sana sa pa-Xmas party

Masaya ang pa-Christmas party for the entertainment press ng Star Magic, ang talent management group ng ABS-CBN. Sayang nga lang at mukhang busy ang big stars ng Star Magic at wala sila sa press party na ‘yon.

Sana man lang ay dumating doon ang mga artista ng Star Magic na may Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 entries para nakapag-promote man lang sila.

ALDEN RICHARDS ALL WE NEED ALL WE NEED IS PAG ALL YOU NEED IS PAG-IBIG ANG BEAUTY AND THE BESTIE KAPAMILYA MALAKAS NOVA VILLA STAR MAGIC TITA NOVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with