Ayaw paawat Maja may concert na naman kahit nag-flop sa MOA!
Jun Lalin (Pang-masa) - December 12, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Istariray ang beauty ni Maja Salvador dahil kahit flop ang Majastic concert niya sa MOA Arena kamakailan (yes, nagkaroon siya ng concert doon, hindi nga lang naramdaman dahil talagang hindi napag-usapan), aba, may pre-Valentine concert siya sa Cache Creek Casino Resort (Brooks, California) sa February 12 and 13, huh!

Pero kasama niya roon sina Paulo Avelino at JC de Vera.

Malakas naman sa Amerika ang TFC (The Filipino Channel), kaya may following si Maja roon at hindi na naman siguro magpa-flop pa ‘yon, ‘noh! Compared to MOA Arena, maliit lang ang Cache Creek Casino Resort, kaya malamang sa hindi na mapupuno ‘yon ng grupo ni Maja!

Pelikulang sina Kris at Alvin Patrimonio ang bida, bubuhayin ni Mark

Ang TV remake ng Tasya Fantasya ang next series ni Mark Neumann sa TV5 na magbabagong-anyo na sa 2016.

Kung matatandaan, pinagbidahan nina Kris Aquino at Alvin Patrimonio ang pelikulang Tasya Fantasya noong 90’s.

Ruffa ikawiwindang  ang pasabog ng ina

May big announcement si Annabelle Rama ngayong Tuesday.

Kung ano ‘yon, sikreto pa raw!

Kahit may kadaldalan, “my lips are sealed” ang drama ngayon ng nanay ni Ruffa Gutierrez.

Kahit ang kanyang mga anak ay quiet muna sa big announcement na ‘yon ni Bisaya.

No, hindi tungkol sa pulitika ang big announcement ni Bisaya. Basta ikagugulat ng iba ang bagay na ‘yon.

Maraming revelations si Bisaya na may kinalaman sa kanyang big announcement sa Tuesday na tiyak ikawiwindang ng lahat, including Ruffa!

Baka mapatili na naman si Ruffa ng “Grabeee!!!” at “Over!” sa big announcement ni Bisaya!

Trailer ng My Bebe… sana baguhin daw

Maraming nagsasabi na hindi ganoon kaganda ang trailer ng My Bebe Love nina Vic Sotto at AiAi delas Alas, pero hinuhulaan pa rin na ‘yon ang magta-topgrosser sa Metro Manila Film Festival 2015 dahil kasama roon ang AlDub.

Inaasahang susuportahan ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) ang unang tambalan nila kahit na sina Vic at AiAi ang talagang mga bida ng pelikula.

May mga nagsa-suggest na baguhin ang trailer ng My Bebe Love at sabi ng fans, sana raw ay pakinggan ang request nilang ‘yon!

Goma hindi na pwedeng i-extend ang serye

May ilang mga artistang sasabak sa 2016 elections ang mukhang malabong palarin sa kanilang kandidatura.

May ilan naman na sinasabing malakas talaga.

May isang taga-Ormoc na nakatsikahan ko at nagsabing malakas daw talaga ang dating ni Richard Gomez sa pagka-mayor ng kanilang lugar.

Ang kandidatura ni Goma ang dahilan kung bakit hindi puwedeng ma-extend ang teleserye na You’re My Home ng ABS-CBN.

Kailangan tapusin kaagad ‘yon bago magsimula ang kampanya ng mga tumatakbo sa local positions.

ACIRC ALVIN PATRIMONIO ANG BISAYA CACHE CREEK CASINO RESORT HINDI MY BEBE LOVE RUFFA STRONG TASYA FANTASYA YON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with