^

Pang Movies

Tolentino identified pa rin sa MMFF

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Marami siyang natutunan tungkol sa movie industry nang hawakan ni former MMDA Chairman Francis Tolentino ang halos anim na taon ang Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya hindi kataka-taka na gusto niyang tulungan ang movie industry dahil marami talaga itong kailangan para muling sumulong.

At sakaling manalo siyang isa sa mga senador sa 2016 national election, isa ito sa bill na isusulong niya, ang mabigyan sila ng subsidy, lalo na iyong mga pelikulang inilalaban natin sa mga international film festival abroad.

Maraming achievements na nagawa si Atty. Francis pero mukhang nakalimutan na ito ng mga natulungan niya, kahit nga ang kapalpakang nagawa ng iba na hindi naman niya kasalanan, inangkin na rin niya para sa katahimikan ng lahat.  Naging malinis naman ang kanyang panunungkulan at walang maipupuntos sa kanya.  Isa pa sa isusulong niyang bill ay ang tungkol sa West Philippine Sea na ang unang nagsulat ay ang lolo niyang si former Vice President Arturo Tolentino.

Nakakatawa lamang na dahil identified nga si Atty. Francis sa MMFF, siya ang natanong ng mga entertainment press kung makakakuha pa sila ng season pass na ipinamimigay kapag may MMFF.  Sinabi ni Atty. Francis na sa Tuesday, December 15 ilalabas na ang mga season pass.  Paano kaya ang distribution nito?

Alden at Maine buong araw mapapanood!

Kilig-to-the-max ang AlDub Nation ngayong Linggo dahil ang kanilang paboritong pheno­menal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza ay maghapon nilang mapapanood sa GMA 7.

First time maggi-guest ni Maine sa Sunday PinaSaya at 12:00 noon para sa big promo nila ng My Bebe Love.

Maraming naghihintay kung saang segment papasok sa comedy-variety show si Maine.

Magiging mainstay na nga kaya si Maine sa Sunday show?  At 6:00 pm. Susundan ito ng paggi-guest nilang dalawa sa Vampire Ang Daddy Ko with Bossing Vic Sotto.

After ng Ismol Family, special guests sila ng premyadong brodkaster na si Ms. Jessica Soho sa Kapuso Mo Jessica Soho.

Last Friday, December 11, ipinakita na rin ang bagong TVCommercial nina Alden at Maine ng isang uri ng soft drinks for Christmas, na kasama rin nila si Lola Nidora (Wally Bayola).

Hindi man mga fans ng dalawa ang nag-post sa Twitter, sinabi nilang pinakamaganda at pinaka-romantic ang TVC ng dalawa dahil hinintay nila na pwede nang magkasama at magkausap sina Alden at Maine at wala na ang split screen.

ALDEN RICHARDS

ANG

BOSSING VIC SOTTO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

ISMOL FAMILY

KAPUSO MO JESSICA SOHO

LAST FRIDAY

LOLA NIDORA

MAINE

MAINE MENDOZA

MARAMING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with