Dati halos mabaliw Heart immune na sa mga basher!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 12, 2015 - 9:00am

Sa dami ng mga naninira sa social media, dedma si Heart Evangelista sa mga basher niya at maging sa mga basher ng kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero.

Nasanay na si Heart sa mga basher dahil walang katotohanan ang paninira sa social media lalo na sa Facebook.

“In the beginning, it drove me crazy. Especially ako sanay ako sa social media. I’m very active on Instagram, Facebook, so nu’ng umpisa nakikita ko lahat,” ang kuwento ni Heart sa guesting niya sa Bawal Ang Pasaway show ni Mareng Winnie Monsod.

Pinayuhan si Heart ni Papa Chiz na huwag nang pansinin ang mga basher pero hindi ito naging madali sa kanya.

“Bilang asawa or bilang kaibigan din, parang nasasaktan ako para sa kanya. Hindi ba? So I have learned to let go,” sabi ni Heart.

“Eventually, siguro, you get immune din to what they throw at him or even to me,” ang additional kuwento ni Heart tungkol sa mga basher na hobby na ang siraan sila ni Papa Chiz.

Awang-awa na raw sa pamangkin diumano’y tiyahin ni Sen. Grace, lumantad na

Lorena Rodriguez Dechavez ang name ng babae na lumantad at nagsabi na siya ang nakababatang kapatid ni Victoria Rodriguez, ang diumano’y biological mother ni Senator Grace Poe.

Ang kuwento ni Lorena, matagal nang pumanaw si Victoria pero may anak ito na naiwan at puwedeng sumailalim sa DNA test para mapatunayan na magkapatid sila ni Mama Grace.

Sinabi ni Lorena na napilitan siya na magpakilala dahil naaawa na sila sa mga nangyayari kay Mama Grace na pilit na hinahanapan ng butas para hindi matuloy ang pagkandidato niya bilang presidente ng Pilipinas.

Parehong malapad ang mga noo nina Lorena at Mama Grace pero hindi ‘yon sapat na ebidensya para sabihin na magkadugo sila.

Kailangan talaga ng DNA test para matapos na ang isyu tungkol sa tunay na pagkatao ni Mama Grace na hindi na tinatantanan ng mga intriga at kontrobersya.

Pang-teleserye talaga ang kuwento ng buhay ni Mama Grace dahil hindi ito nawawalan ng mga twist. Parami rin nang parami ang mga character na involved.

At least, hindi na pagdududahan ang mga incre­dible story ng mga teleserye tungkol sa mga ampon, baby switching at kung anik-anik pa dahil nangyayari ito sa tunay na buhay, base sa mga nagaganap ngayon kay Mama Grace.

Sikat na Hollywood actor na si Chris Hemsworth, fan na fan ni Pacquiao

Big fan pala ni Congressman Manny Pacquiao ang popular Hollywood actor na si Chris Hemsworth.

Ikinuwento ni Chris sa interview sa kanya ng People Magazine na idol niya si Papa Manny at hindi sinasadya na nagkita sila pero hindi nagkaroon ng chance na magkausap.

“I saw Manny Pacquiao back in LA and that was a moment. I’m a big fan of his. I didn’t talk to him; it was a passing thing in a hotel. He looked like he was in a hurry,” ang kuwento ni Chris na may milyung-milyong fans sa buong mundo pero self-confessed fan ni Papa Manny.

Isa lamang si Chris sa maraming Hollywood stars na humahanga sa Pambansang Kamao.

Iba talaga ang karisma ni Papa Manny na nag-aambisyon na mahalal na senador sa eleksyon sa 2016.

ACIRC ANG CHRIS CHRIS HEMSWORTH GRACE HINDI LORENA MAMA GRACE MGA PAPA CHIZ PAPA MANNY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with