Dating MMFF chairman Tolentino di kayang talikuran ang showbiz
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - December 11, 2015 - 9:00am

Marami na kaming narinig na mga pulitikong nangakong kung mananalo ay tutulu­ngan ang film industry. Sanay na kasi silang iyon lang ang kailangan nilang sabihin para matawag ang pansin ng mga entertainment writer at makapasok sila sa sinasabi nga nilang “best read pages” ng isang diyaryo. May nangako pa noon na magtatayo ng isang film city sa Clark, Pampanga, pero nasaan na? May nanga­kong ibababa ang taxes sa pe­likula, pero hanggang nga­­yon ay halos 54% pa rin ang kabuuang taxes, dahil simula pa sa raw sa mate­rials ay tambak na ang taxes.

Noong isang gabi, huma­rap naman sa entertainment press si dating MMDA Chair­man Francis Tolentino. Ipinag­malaki niya ang mga pagbabagong kanyang nagawa sa loob ng ilang taong siya ang chairman din ng exe­cutive committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ngayon, sinasabi niyang may balak siyang iharap na panukalang batas. Kung sakali nga na makakapasok siya sa senado na magtatakda hindi lang ng tax reduction kundi magbibigay ng subsidy sa mga mahuhusay na pelikula. Noong araw, panahon ng Experimental Cine­ma of the Philippines, ginawa na ang lahat ng iyan. Iyon nga lang, hindi ito naisulat bilang batas kaya nang magbago ang gobyerno, nawala ang lahat ng mga tulong na iyan sa industriya ng pelikula.

Kung ang mga bagay na iyan ay talagang maisasalin sa batas ni Chairman Tolentino, ta­la­gang mas magiging maganda at baka nga su­migla ulit ang industriya ng pelikulang Pilipino. Napatunayan na naman natin eh. Marunong tayong gumawa ng mahuhusay na pelikula, iyon nga lang wala tayong nakukuhang government support. Sa ibang bansang Asyano, suportado ng gobyerno ang pelikula. Dito sa atin,nagsisilbi pang gatasan ang industriya ng pelikula na sinasampal ng pina­kamataas na tax sa lahat ng industriya.

Rating ng GMA umangat daw

“Sa maniwala kayo’t sa hindi, noon pa pong September, tinalo na natin sila ma­ging sa NUTAM ratings,” ang pagmamalaki ni GMA Chairman Felipe Gozon, noong mag-host sila ng isang Christmas at Thanksgiving party para sa mga entertainment wri­ters.

Ano ba iyang sinasabing NUTAM? Ang ibig pong sabihin niyan, para sa mga hindi masyadong aware, ay “National Urban Tele­vision Audience Measurement”.  Iyan ay isang sur­vey sa buong bansa ng nakukuhang audience ng isang television program. Noong araw, sinasabi nila na sa Metro Manila, malakas ang GMA, pero natatalo sa probinsiya dahil mas malakas ang signal ng kalaban. Noong magpalit sila ng mga equipment at lumaban na rin technically, sila na ang nangu­nguna ngayon sa NUTAM.

Hindi masasabing iyan ay dahil sa isang love team lamang. Kumbinasyon iyan ng mahusay na mga programa, mahusay na pagbabalita, at kahusa­yan technically. Sabi nga ni Kuya Germs, kumbinasyon iyan ng lahat ng inilalabas sa telebisyon araw-araw.

ACIRC ANG CHAIRMAN TOLENTINO EXPERIMENTAL CINE FELIPE GOZON FRANCIS TOLENTINO ISANG MGA NBSP NOONG SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with