^

Pang Movies

Haunted Mansion nakakagulat!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Tama ang desisyon ko na humabol kahapon sa presscon ng Haunted Mansion dahil nag-win ako sa raffle draw ni Mother Lily Monteverde at ng kanyang anak na si Roselle Monteverde. Ang Haunted Mansion ang entry ng Regal Entertainment Inc. sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Ipinagmamalaki ni Mother ang trailer ng pelikula na talagang nakakatakot at nakakagulat.

Mga bida sa Haunted Mansion sina Janella Salvador, Marlo Mortel, Jerome Ponce at sangkatutak na young stars.

Kasali rin sa pelikula sina Janice de Belen at Iza Calzado pero no-show sila sa bonggang presscon na idinaos sa Valencia Events Place. In good mood kahapon si Mother Lily dahil pinupuri ng showbiz press ang trailer ng filmfest movie niya.

Positive si Mother na magugustuhan ng moviegoers ang Haunted Mansion, kahit horror movie ito. Ang suwerte-suwerte nina Janella, Marlo at Jerome dahil sila ang mga napili ni Mother Lily para magbida sa Haunted Mansion.

Introducing din sa pelikula si Paolo Gumabao, ang anak ni Dennis Roldan.

Half-brother si Paolo ng young actor na si Marco Gumabao pero mas kamukha siya ng tatay nila na nakakulong sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Hindi naman siguro mamasamain ni Marco ang komento ng mga reporter na mas mukhang artista ang half-brother niya kesa sa kanya. Wish ko lang, hindi humantong sa sibling rivalry ang comparison sa mga anak ni Dennis.

Jerome kinapos sa height

Dating artista rin pala ang tatay ni Jerome Ponce na si Jessie Delgado.

Hindi na masyadong matandaan ng mga reporter si Jessie na gumawa noong dekada ‘90 ng mga action movies.

Matagal nang hindi active sa showbiz si Jessie at napag-uusapan na lang siya dahil kay Jerome na hindi nakuha ang height ng kanyang ama. Para sa mga veteran reporter, mas guwapo pa rin si Jessie kesa sa kanyang anak na starring sa Haunted Mansion.

Alden at Maine dapat magpasalamat

Early bird ako sa presscon kahapon ng My Bebe Love na ginanap naman sa isang bagong events place sa kanto ng Timog Avenue at Quezon Avenue.

Marami ang invited sa presscon kaya idinaos ito sa malaking venue.

Mga bida sa My Bebe Love sina Vic Sotto, AiAi delas Alas, Alden Richards at introducing si Maine Mendoza.

Sunud-sunod ang mga product endorsement ni Alden mula nang sumikat siya nang todo dahil sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Wondering ang mga reporter kung may plano sina Alden at Maine na magkaroon ng thanksgiving party dahil sa dami ng mga blessing na natanggap nila ngayong 2015.

Kapuso X-mas party, hindi ko na nasipot!

Kagabi naman ang Christmas party for the press ng GMA 7.

Hindi ko na pinuntahan ang Christmas party ng Kapuso Network dahil qouta na ako sa mga presscon ng Haunted Mansion at My Bebe Love.

Hindi ko na magawang mag-emote tungkol sa trapik kahapon sa lahat ng mga kalsada na dinaanan ko dahil bahagi na ng pamumuhay ng Metro Manila residents ang kasumpa-sumpang traffic situation na stressful at nakakapanghina.

ALDEN RICHARDS

ANG

ANG HAUNTED MANSION

HAUNTED MANSION

HINDI

JEROME

JEROME PONCE

JESSIE

MGA

MOTHER LILY

MY BEBE LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with