Shooting ng movie nina Ate Vi at Angel natigil, malabong maipalabas sa January
- Vinia Vivar (Pang-masa) - December 9, 2015 - 9:00am

Panahon na naman ng Ala Eh Festival sa Batangas na ilang taon na rin naming personal na nasasaksihan partikular na ang finals night ng Voices, Songs & Rhythms singing competition na si Governor Vilma Santos-Recto mismo ang may ideya at nagsimula eight years ago.

Taun-taon ay iba-ibang ba­yan ang nagho-host ng Ala Eh Festival and for this year ay sa Sto. Tomas, Batangas naman ito ginanap.

We were there last Monday night sa finals night ng VSR at nagkaroon muna ng short presscon before the show kung saan, bukod kay Gov. Vi ay humarap din ang mga celebrities na  sina Vhong Navarro at Billy Crawford (the hosts of the show) at ang mga judges na mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza at Christian Bautista.

Ayon kay Billy ay nag-pinch hit lang daw siya sa anak ni Ate Vi na si Luis Manzano bilang host na may taping daw that night. Napag-usapan nga rin ang movie nina ate Vi at Angel Locsin sa Star Cinema at say ng Star For All Seasons, may six shooting days pa raw dahil natigil ito since busy rin siya at natapat pa sa Holiday season plus nagpao­pera pa nga si Angel sa kanyang sakit sa likod sa Singapore.

Kwento nga ni Ate Vi, kapag nagsu-shooting nga raw sila ni Angel noon ay paika-ika si Angel dahil masakit ang likod. Naaawa nga raw siya sa aktres. Kaya say niya, malabo pa silang matapos bago mag-Enero.

Janella hindi nakatiis sa pang-aapi ng host ng sariling party!

Inamin ni Janella Salvador kahapon sa grand presscon ng 2015 Metro Manila Film Festival entry ng Regal Films na Haunted Mansion na talagang na-offend siya sa insidenteng nangyari kamakailan sa pinuntahan niyang Christmas party kung saan ay nakalimutan ng host ang kanyang pangalan.

“It was a Christmas party para sa isang endorsement ko, hindi ko na lang papangalanan. Hindi ko lang in-expect na ganu’n ang mangyayari. Kasi it was for my endorsement, ‘di ba? So, nakakabastos lang. Na-off lang ako...alam mo ‘yung f­eeling na ganu’n na parang napahiya ka sa sarili mong event,” pahayag ni Janella.

Pero hindi na raw niya ginawang big deal para hindi masira ang mood niya sa party at para hindi na rin maapektuhan ang mga taong nagpunta sa event para maki-party. Matatandaang mismong ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio ang nag-post sa kanyang social media account tungkol sa nangyari at nagpahayag nga rin ng kanyang litanya kaya naman nagpasalamat din si Janella sa kanyang mommy sa pagtatanggol  sa kanya. Ganu’n naman daw talaga ang ina niya kahit noong bata siya.

“Tingin ko naman ganu’n talaga ang mga mommy. Protective sila sa mga anak nila,” say niya.

ACIRC ALA EH FESTIVAL ANG ANGEL LOCSIN ATE VI BATANGAS BILLY CRAWFORD CHRISTIAN BAUTISTA DINGDONG AVANZADO GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO JANELLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with