Angelica ala-Imelda Marcos kung umarte
Roland Lerum (Pang-masa) - December 8, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – May ilang linggo nang balita at patuloy pa ring pinag-uusapan na nagkanya-kanya na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Cool off kumbaga. Pero parang dedma naman sa isyung ito si Angelica. Idinaan niya sa pagluluto ng mga masasarap na ulam para kay JLC na ipino-post niya sa Intagram account niya. Pinalalabas ng aktres na okey pa sila hanggang ngayon.

Isa si Angelica sa inaabangan namin sa Pangako Sa ‘Yo gabi-gabi sa Dos. Epektib siyang kontrabida na ala-Imelda Marcos kung umarte. Kailan kaya sila mag­haharap ni Jodi Sta. Maria na gumaganap bilang si Amor Powers?

Buti na lang nagpakita ng katawan Gerald Santos sablay ang concert!

May nagbigay sa amin ng complimentary ticket sa concert ni Gerald Santos, Metamorphosis sa PICC Plenary Hall, at dahil curious kaming mapanood si Gerald, nagpunta kami.  Aba, worth P1,200 ata ang tiket namin!

Umpisa pa lang ng show, ina-announce na mismo ni Gerald na nasa audience ang Superstar na si Nora Aunor, kaya naisip namin na worth watching ito.

Pero nainis kami sa sandamakmak na guest singer na palpak namang kumanta pero dahil malakas kay Kuya Germs kaya nandun lang!

Bilang singer, kailangan pa ni Gerald ng lubos na pagsasanay.  Medyo napaigtad kami sa kanta niyang Bridge Over Troubled Waters pero nang kumanta na siya ng mga awitin nina Gary Valenciano at Martin Nievera, asan ang justice?

‘Yung Natutulog Pa Ang Diyos ay kulang sa damdamin.  Iba kasi kapag kinakanta ito ni Gary V na may soft spot sa Diyos bilang born again Christian. Hindi ito dapat basta kinakanta!

Buti na lang isang kantang Martin N. na lang ang ginaya niya!  Kahit yung Michael Jackson song niya ay hindi impressive.  Kulang sa liksi at dahas.  Pero nagpakita siya ng abs at katawan na hindi ginagawa ng ibang male singers.  ‘Yon ang nakaka-impress sa amin pero dapat may nag-advice sa kanya na pag nagpapakita ka ng katawan, samahan mo naman ng konting sensuality o libog!  ‘Yon ang kung kay Gerald Santos.                                     

AMOR POWERS ANG ANGELICA PANGANIBAN BRIDGE OVER TROUBLED WATERS BUTI GARY V GARY VALENCIANO GERALD SANTOS IMELDA MARCOS NBSP PERO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with