^

Pang Movies

Sarah kinalimutan si Matteo sa kanyang concert

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi nagpadala sa kantyaw si Sarah Geronimo sa kanyang fans sa second night ng kanyang concert  last Saturday (Dec. 5) sa Araneta Coliseum na SG From the Top.

Hindi kasi binanggit ni Sarah ang name ni Matteo Guidicelli nang magpasalamat siya mula sa kanyang pamilya, kay Boss Vic del Rosario,  Louie Ocampo na nag-areglo ng mga kanta niya sa concert, at sa iba pa.

Pero never nitong sinabi ang name ng nobyo kahit isinisigaw na ang pangalan ni Matteo. Dedma ang Popstar Royalty at hindi siya napilit na sambitin man lang ang nobyo sa kanyang concert.

Pero hindi naman maitago ni Sarah na in love pa rin siya dahil hindi nito mapigilan na kiligin sa mga kanta nito kahit nabawasan na ang pagkabu­ngisngisin nito.

Nakakabingi naman ang tilian sa Big Dome nang si Piolo Pascual mismo ang naka-duet ni Sarah sa kantang Paano Ba Ang Magmahal? na theme song din ng matagumpay na movie nilang The Breakup Playlist. Hindi nagpahuli si Papa P sa galing ni Sarah sa kanilang duet na bitin pa dahil isang kanta lang ang ginawa nila. Inamin pa ni Sarah na in love raw siya kay Papa P sa pelikula nila, na pinagpipilitan ng singer/actress na walang malisya dahil isa raw sa mga babaeng nadadala rin sa presensiya ng actor.

Malaki naman ang impluwensiya ni Paolo Valenciano sa concert ni Sarah na siyang director ng concert, dahil puro pasasalamat ang bukambibig ng Popstar sa Panginoon, kung gaano siya ka-blessed na binigyan ng pagkakataon na makilala at maging mahusay na singing artist. Dumating din sa concert sina Gary Valenciano, Jason Dy, at Vice Ganda para manood.

Bangs walang ingay ang first action film

Parang walang ingay ang pelikulang Police Manila na ipinagmamalaki ni Bangs Garcia, ang Manila’s Finest na inspired story ni Col. Jimmy Tiu ng MPD. Kasama ng aktres sa movie sina Jeric Raval atMark Anthony Fernandez na palabas ngayon sa mga sinehan.

Bale ba, nagsisilbing come back movie ito ni Jeric  na walang kupas dahil hindi nagbago ang hitsura na matinee idol pa rin ang arrive. Maging sina Mark Anthony at Joko Diaz ay wala ring kupas ang pagiging magandang lalaki na kasama rin sa action movie.

First time pa naman ni Bangs na sumabak sa action film. First time rin humawak ni Bangs ng baril at kasama rin niya sa pelikula si Rich Asuncion.

ANG

ANTHONY FERNANDEZ

ARANETA COLISEUM

BANGS GARCIA

BIG DOME

BREAKUP PLAYLIST

FROM THE TOP

GARY VALENCIANO

HINDI

NBSP

PAPA P

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with