National Choral Competition, siksik sa mga paandar
(Pang-masa) - December 7, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Magtatanghal ang ilan sa ating sikat na recording artist sa paglulunsad ng Manila Broadcasting Company at Star City sa 2015 MBC National Choral Competition, na gaganapin sa Aliw Theater.

Si Luke Mejares ang mangunguna ngayong December 8, kasunod naman sina Kean Cipriano at Eunice sa December 9. 

Si Jason Dy ang siya namang guest sa December 10, habang ang sikat na deejay ng 90.7 Love Radio na si Papa Jack ang aawit sa December 11. 

Para sa grand finals ng December 11, aawit sina Tanya Chinita ng 101.1 Yes Fm at ang kilalang bandang J. Brothers.

Aabot sa 44 na batikang mga choir mula iba’t ibang bahagi ng bansa ang magtatagisan para sa kampeonato ng MBC National Choral Competition.  P150,000 ang nakalaan sa magwawagi sa open category, at P100,000 naman para sa children’s division.

Alas-siyete magsisimula ang labanan gabi-gabi. Para sa karagdagan kaalaman, tumawag sa telepono bilang 555.3477, 832.6125, o tignan sa Facebook ang official page ng MBC National Choral Competitions.

ALIW THEATER ANG KEAN CIPRIANO LOVE RADIO MANILA BROADCASTING COMPANY NATIONAL CHORAL COMPETITION NATIONAL CHORAL COMPETITIONS PAPA JACK SI JASON DY SI LUKE MEJARES STAR CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with