^

Pang Movies

Bea-John Lloyd movie tinalbugan na pati Hollywood at Bollywood movies

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namamayagpag pa rin sa mga sinehan ang A Second Chance nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Kahit second week na ‘yon, matindi pa rin ang interes ng fans na panoorin ‘yon.

Malungkot nga lang ang mga taga-Star Cinema dahil biktima ng piracy ang A Second Chance.

Kaagad kumalat ang pirated DVD copies ng A Second Chance.

Kahit nga sa may bandang Tomas Morato at Timog Avenue, Quezon City kung saan malapit lang ang ABS-CBN ay nagkalat ang mga nagbebenta ng A Second Chance.

Pero may bumibili man ng pirated copies, marami pa rin naman ang may gustong manood ng A Second Chance sa mga sinehan dahil mas klaro ‘yon!

Samantala, hindi lang dito sa ‘Pinas pinipilahan ang A Second Chance dahil sa Middle East daw ay tinalbugan pa nito ang mga Hollywood at Bollywood movies na nakasabay nitong ipalabas.

Sa Amerika rin ay sobrang hit ang A Second Chance at ipapalabas na rin daw ito sa Europe at maging sa ibang parte ng Asia.

Ang sigaw ngayon ng fans ng tambalan nina Lloydie at Bea, sana raw ay ibalik na rin sila sa telebisyon at muling mabigyan ng primetime teleserye sa Kapamilya network!

Kung ang A Second Chance ay pinag-uusapan, ang isang local movie naman ay tila hindi nagkaroon ng marka sa moviegoers at hindi raw masyadong tinao.

Disappointed kaya ang mga tao sa bida ng pelikula na imbes na ang kagandahan ng pinagbibidahang proyekto ang pag-usapan ay puro mga intriga ang nababasa?

Well…

Susunod na kay Toni Mommy Pinty ready na rin pakawalan si Alex?!

Kilala sa showbiz si Pinty Gonzaga bilang manager ng mga anak na sina Toni at Alex Gonzaga.

Kapag may tatanungin ka kay Mommy Pinty, mabilis siyang mag-reply.

Nang usisahin ko si Mommy Pinty kung ano ang masasabi niya na exclusively dating ang bunso niya sa isang non-showbiz Chinese guy eto ang naging sagot niya, “Jun regarding your question si Alex naman e nasa right age na ...kung saan sya masaya ok lang will be here to pray guide support n give her an advise .. Reg on exclusive dating ok lang un to know the guy better  tnx n Godbless:)”

A SECOND CHANCE

ACIRC

ALEX

ALEX GONZAGA

ANG

BEA ALONZO

CHANCE

JOHN LLOYD CRUZ

MGA

MOMMY PINTY

SECOND

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with