Jaclyn gagawin ang pelikula ni Napoles!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - December 5, 2015 - 9:00am

Nami-miss na raw ni Jaclyn Jose ang lumabas sa isang teleserye kung saan nagda-drama siya.

Magkakasunud nga ang mga roles na binigay kay Jaclyn na kontrabida siya na may pagkaluka-luka.

Enjoy naman daw si Jaclyn sa kanyang mga ginagawa dahil hindi na raw niyang kailangan na mag-effort ng husto sa pag-arte.

“Nilalaru-laro ko na lang. Hindi mo alam kung serious ba ako o playtime, ‘di ba?

“Lalo na itong role ko sa MariMar as Senyora Angelika, talagang malala ang topak niya sa ulo. But I enjoy creating that character. Wacky siya na punung-puno ng insecurity sa katawan.

“Pero nakaka-miss din ang mag-straight drama tulad ng mga ginagawa ko noon.

“Yun nga lang, parang nakalimutan ko nang umiyak on cue. Dahil nagku-comedy na nga ako, napahinga ako sa pag-iyak. Ayun parang natuyo na yata!” malakas na tawa pa ni Jaclyn.

May gagawin nga raw na pelikula si Jaclyn at ito ay ang untold story ni Janet Lim-Napoles.

“Nagustuhan ko ang material and I find Janet Napoles very interesting.

“Hindi mo alam kung ano ba ang totoo sa kanya, kaya gusto kong gawin.

“Pero kailangan magaling ang director at writer na hahawak ng project. Very sensitive ang kaso niya, ‘di ba? Kaya kailangan walang sobra at walang kulang.”

Alden at Maine, suki na ng awards

Dahil sa pagiging magandang ehem­plo sa mga kabataan ngayon, gagawaran ng special award ang kal­yeserye stars na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa magaganap na LoveLife! Health and Wellness International Film Festival on December 12 and 13 sa QCX Interactive Museum sa loob ng QC Memorial Circle, Elliptical Road, Central, Diliman, Quezon City.

Maganda raw na halimbawa sina Alden at Maine na may sinusunod na healthy lifestyle at maganda silang halimbawa ng kabataan na may good health, beauty and wellness.

Ayon pa sa namumuno ng festival, ang indie film director and producer na si Cris Pablo, malaking tulong ang mga pangaral ni Lola Nidora sa kalyeserye para sa mga kabataan ngayon na ipagpaliban muna ang kanilang pansariling pagnanasa at isipin nila ang ikabubuti ng kanilang katawan at kaluluwa.

Bukod kina Alden at Maine, gagawaran din ng parangal sina Anne Curtis, Liza Soberano, Alyssa Valdez, Kiefer Ravena and Piolo Pascual.

Ang pinaka-aim ng festival na ito ay ang magbigay ng impormasyon, magbigay aral at maenganyo ang maraming tao na magkaroon ng healthy lifestyle.

David Foster makikipag-divorce na sa asawa

Magdi-divorce na ang songwriter and record producer na si David Foster at ang  misis niyang si Yolanda Foster ng programang The Real Housewives of Beverly Hills at ina ng supermodel na si Gigi Hadid.

“Sadly we have decided to go our separate ways.

“We’ve shared nine beautiful and joyous years together.

“During that time we experienced love, friendship and the inevitable challenges that come with managing a marriage, careers, blended families and health issues.

“We are grateful for the years we’ve spent together and believe wholeheartedly that we did our best.

“I hope that we can pave the road ahead of us with all we’ve learned and with the love and respect we will always have for one another,” ayon pa sa kanilang official statement to the media.

Ito ang second marriage ni Yolanda. Una siyang kinasal kay Mohamed Hadid at tatlo ang naging anak nila.

Ang 16-time Grammy Award winner na si David ay kinasal na ng apat na beses at may lima siyang anak na puro babae.

Kinasal sina David at Yolanda noong November 11, 2011.

Binenta na nga nila ang kanilang mansion sa Malibu, California.

ACIRC ALDEN RICHARDS ALYSSA VALDEZ ANG ANNE CURTIS BUT I CRIS PABLO DAHIL DAVID FOSTER ELLIPTICAL ROAD JACLYN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with