Paulo tinabunan ang role ni Albie!
Jun Lalin (Pang-masa) - December 3, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines –  Nagsimula nang lumabas sa On The Wings of Love si Paulo Avelino bilang nerdy boss ni Nadine Lustre.

Magiging ka-triangle nina Nadine at James Reid si Paulo sa nasabing kilig-serye.

Ang dating ka-triangle nila na si Albie Casiño ay iba na ang kapareha, kaya hindi na ito ang “kontrabida” sa love­team nina Nadine at James.

Ayon sa kampo ni Paulo, hindi natatakot ang aktor na siya na ang ka-triangle nina Nadine at James.

Wala naman daw dapat ikagalit ang fans ng nasabing loveteam.

Para kay Paulo, trabaho lang ang lahat at gustung-gusto raw ng aktor ang role niya sa On The Wings of Love.

Wala rin daw intention si Paulo na guluhin ang loveteam nina Nadine at James.

Nangako rin daw si Paulo na hindi susulutin si Nadine kay James.

Trabaho lang daw ang lahat dahil bukod sa nagagandahan si Paulo sa kanyang role, sinusubaybayan din daw nito ang On The Wings of Love kahit noong wala pa siya sa nasabing kilig-serye.

Regine at Jaya inaabangan na ang kakaibang gagawin sa concert

Nagre-rehearsal na ang The Songbird Sings in Biñan charity concert ni Regine Velasquez-Alcasid sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Wish ng fans ng Asia’s Songbird na sana ay may duet ang idolo nila kay Jaya na katulad ni Michael Pangilinan ay special guest sa nasabing concert.

Sabi nga pala ni Mayor Len Alonte na isa sa nagtataguyod ng nasabing charity concert, tiyak daw na magugustuhan ng mga manonood ang The Songbird Sings in Biñan dahil sa rehearsal pa lang ay ganadung-ganado na si Regine.

Ang Unlad Biñan Foundation and Go Forward Biñan Foundation nga pala ang makikinabang sa kikitain ng nasabing concert at may tickets pa raw na available sa SM Tickets.

ALBIE CASI ALIGN ANG ATILDE LEFT NADINE ON THE WINGS OF LOVE PAULO QUOT SONGBIRD SINGS STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with