Kapunan hindi nagsisisi na hinawakan ang sex scandal ni Hayden
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 3, 2015 - 9:00am

Nakakabilib sumagot at magpaliwanag sa mga issues si Atty. Lorna Kapunan nang makatsikahan siya ng mga entertainment press sa kanyang first Christmas party. 

Sabi nga sa kanya, dapat siya na lamang ang maging spokesperson ng partido nila. Nasa ticket ni Senator Grace Poe si Atty. Kapunan at sila raw lahat ng mga senatoriables sa Galing at Puso party ay nag-usap-usap na hindi nila igi-give up si Sen. Grace, na more they persecute her, they will fight at naniniwala rin silang hindi siya madi-disqualify. 

As a lawyer, huwag daw pigilan, dapat daw ay patakbuhing lahat ang mga gustong tumakbong presidente ng bansa dahil karapatan ng mga tao na pumili ng karapat-dapat na maglingkod sa kanila sa loob ng anim na taon.

Nagpasalamat si Atty. Kapu­nan na personal siyang inimbita ng grupo ni Sen. Grace na sumama sa kanilang tiket. 

Sa tanong kung saan siya pwedeng butasan ng mga kalaban, alam daw niyang sa hinawakan niyang kaso ni Jenny Napoles at Hayden Kho

Pero ano raw ang ibubutas sa kanya, samantalang siya ang nagdala kay Napoles sa Malacañang, kaya nang lumitaw na talagang nagsisinungaling ito, binitiwan niya agad. 

Si Hayden daw naman, napatunayan naman nilang wala naman talagang nangyari, isa na ring changed man si Hayden ngayon at naibalik na sa kanya ang license nito bilang isang doctor.

Kaya rin niyang paghiwalayin ang kanyang professional at private life, in fact, biro niya, ang private life niya ay parang neon color, very colorful, with her boyfriend na tulad niya ay isa na ring senior citizen, at ang kanyang mga anak at ang nakapagpapangiti sa kanya ay ang tatlong grandsons niya.

Alden raraket sa mga Casino!

Nag-start na noong December 2 ang mga shows na magkasama sina Alden Richards at Rochelle Pangilinan sa iba’t ibang branches ng Casino Filipino. 

First stop nila ang Casino Filipino Angeles City sa Pampanga. 

Nakausap namin si Rochelle noong PPL Christmas Party for the press at biniro namin siya na malaki siguro ang talent fee ni Alden, dahil nga sikat na sikat ngayon ang Pambansang Bae.

 “Hindi po, tinanggap namin ni Alden ang offer noong mayroon pa kaming Sunday All Stars, wala pa noon ang AlDub,” sagot ni Rochelle. 

“Kaya masasabing talo si Alden ngayon dito dahil naka-contract na kami at panalo ang Casino Filipino dahil tiyak na dadayuhin iyon.”

Biro na lamang namin kay Rochelle, sana ay bigyan sila ng bonus dahil sila lamang namang dalawa ang magkasama ni Alden sa show. 

Ang alam nga namin, marami pang gustong bumili ng ticket noong Tuesday, pero wala na silang nabili dahil sold out na bago pa nag-December 2.

 

ALDEN RICHARDS ALIGN ANG CASINO FILIPINO CASINO FILIPINO ANGELES CITY CHRISTMAS PARTY LEFT MGA NBSP QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with