Snooky at Ricardo inindyan ang sariling pelikula!
Vir Gonzales (Pang-masa) - December 1, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Noong November 28 ang first screening ng pelikulang Isang Hakbang starring Snooky Serna at Ricardo Cepeda pero hindi ito balik-tambalan ha. Lahat ng mga tagahangang sumaksi sa naturang pagtatanghal sa SM Manila Cinema ay naghihintay sa pagdating ni Snooky. Matagal-tagal na din kasing hindi siya napapanood saka excited sila na baka dumating si Ricardo Cepeda.

Nakakapagtaka lang dahil ni isa sa kanila ay walang dumating sa naturang sinehan. Ang tanging naroroon ay si Buboy Villar at ang 15-year-old son ni Mike Magat na si Miguel Antonio.

First time nagdirek ni Mike at anak niya pa ang idinidirede niya kaya super kaba ang actor.

Kuntento naman ang mga producer na sina Sheree Sonza at Alfie Soriano ng Malasigui, Pangasinan.

Masaya sila dahil maraming tao ang dumating para panoorin ang initial movie nilang Isang Hakbang.

Walang Snooky at Ricardo na dumating kaya’t nag decide panoorin ang movie dahil gumagabi na umuulan pa naman. May nagkumento, baka raw natrapik sila at ayaw nalang tumuloy dahil buhul-buhol na ang mga sasakyan.

Maganda ang movie, may moral lesson para sa mga kabataang gustong makapag-aral.

Sanhi ng kahirapan, maraming hindi nakapag-aral ang tema ng movie. Mistulang isang teleserye ang ipinakitang pagganap ni Snooky dahil katakut-takot na luha ang nakawala sa kanyang mga mata.

May karamdaman siya sa istorya at tanging dahon lang ng mga halaman ang iginagamot dahil sa kahirapan.

Magaling din umarte si Miguel Antonio, marunong siyang magdrama kahit isang baguhan. Marunong umiyak at hindi na kailangan pang bigyan ng sibuyas para ipatak sa mga mata niya.

Tampok din sa movie sina Jayce Parker, Shyr Valdez, Alyza Soriano. May ibubuga pa sa pagdidirek si Mike Magat, walang boring scenes.

Sa Dec.13 ang ikalawang screening ng pelikulang Isang Hakbang na ipapalabas naman sa SM San Lazaro.                                     

ALFIE SORIANO ALYZA SORIANO ANG BUBOY VILLAR ISANG HAKBANG JAYCE PARKER MANILA CINEMA MIGUEL ANTONIO MIKE MAGAT NBSP RICARDO CEPEDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with