Kwento nina Popoy at Basha, nasa pay-per-view na!
(Pang-masa) - November 30, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Pagkatapos gumawa ng marka sa Philippine movie industry at patuloy na nilalampasan ang box office records to date with about P100-M in ticket sales tatlong araw pagkatapos itong buksan sa publiko, mapapanood na nationwide ang A Second Chance na sequel ng isa sa pinaka-iconic Filipino romantic films of all time, ang One More Chance.

Ngayon, officially recorded na ang A Second Chance as the Philippine film with the highest ticket sales sa opening day, na hindi kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF)!

Talagang tinutukan ng fans ang istoryang umantig at naka-relate sa mga hugot lines nina Popoy at Basha, na ginampanan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. At ngayon nga, hindi nila pinalampas ang pangalawang pagkakataon para magmahal muli sa pelikulang A Second Chance.

Sa rami ng nakaka-relate at gustong makapanood ng sequel nina Popoy at Basha, the first movie has already spawned a CD and DVD version and have been screened worldwide via pay-per-view on TFC and TFC.tv. 

Sabi nga eh, eight years in the making ang pelikulang ito ng dalawa sa pinakahinahangaang on-screen partners sa Pilipinas.

Kwento nga ni Bea, “I am very proud of the Filipino audience na tinatanggap nila ng ganito ang pelikula,” dahil walang dudang tanggap na tanggap talaga ng tao, lalo na ng makabagong henerasyon ang kwento at karakter nila sa pelikula ni John Lloyd.

“It takes courage to face the reality that love is not always about wines and roses. 

“It’s brave to ask what if not but it’s even braver to embrace what is - this is one of the core of our story.” pagbabahagi ni Lloydie.

Ngayon, gustong i-share nina Bea at John Lloyd ang iconic roles nila sa Star Cinema’s sequel A Second Chance which will be shared by TFC@theMovies to eager fans worldwide.
Also reprising her role at the helm of this blockbuster franchise ay ang blockbuster director na si Cathy Garcia Molina as well as the incomparable writing tandem of the very talented screenwriters na sina Carmi G. Raymundo at Vanessa R. Valdez.

Ang mga imortal lines gaya ng “Sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulit,” at “She had me at my worst. You had me at my best…and you chose to break my heart,” ay talagang tumatak sa puso at isipan ng buong generation of Filipino moviegoers hanggang sa araw na ito.

Sa A Second Chance, siyempre ay hindi rin mawawala ang hugot lines na talagang yayanig sa ating mga puso.

Be part of the latest chapter of Popoy’s and Basha’s love story and find out how many chances does true love deserve to get. 

Mapapanood ang A Second Chance sa Middle East sa December 3, North America simula December 4; Europe sa December 5 at 6; sa Australia at New Zealand simula sa December 10; sa Singapore sa December 12 at Hong Kong sa December 13.

 

A SECOND CHANCE ACIRC ANG BASHA BEA BEA ALONZO CARMI G CATHY GARCIA MOLINA JOHN LLOYD NBSP POPOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with