^

Pang Movies

Martin, Regine, Erik at Angeline, may kakaibang concert na niluluto

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinakasa na ang Valentine’s show nina Martin Nievera at Regine Velasquez-Alcasid kung saan ay makakasama nila ang lovebirds na sina Angeline Quinto at Erik Santos.

Nagkaroon na sila ng pre-production meeting para roon kung saan um-attend ang apat, ang direktor na si Rowell Santiago, producers na sina Anna Puno at Cacai Velasquez-Mitra at iba pa.

Pare-parehong excited sina Martin, Regine, Angeline, at Erik sa pagsasama nila sa iisang concert next year.

Ayaw pang magbigay ng ibang mga detalye ng mga taong involved sa concert na ‘yun, pero lahat sila ay nagsasabing kakaiba ‘yun.

Kung matatandaan, dapat ay may repeat ang Ultimate concert nina Martin, Regine, Gary Valenciano, at Lani Misalucha, pero dahil hindi available ang iba, hindi na lang muna tuloy ‘yon at tanging sina Martin at Regine muna ang magkakasama sa Valentine’s Day at kasama nga roon sina Angeline at Erik.

Tinulungang singer ni Martin, bigla na lang aapir

Speaking of Martin, mamayang gabi na ang Martin Home for Christmas! concert niya sa The Theater ng Solaire Resort and Casino.

Gustung-gusto ni Martin ang The Theater, kaya tiyak na mag-e-enjoy na naman ang mga manonood sa kanya roon mamaya.

Wala nga palang kaalam-alam si Martin na may isang magsu-surprise sa kanya mamaya sa The Theater.

Isa sa mga tinutulungang singers ni Martin ang mag-a-appear mamaya sa kanyang show para kumanta ng libre.

Yes, sa rami ng tulong ni Martin sa taong ‘yon, siya naman ang susuportahan at magge-guest nga sa kanyang Martin Home for Christmas! mamaya.

Lani baka magka-repeat agad ang concert

Speaking of concerts, hindi ako magtataka kung magkaroon kaagad ng repeat ang Voice of the Nightingale ni Lani Misalucha sa The Theater.

Sa Friday at Saturday pa lang ang concert na ‘yun kung saan ay magiging guest ni Lani si Arnel Pineda, pero maraming fans ng singer ang nangungulit na mag-repeat na dahil wala na halos silang mabiling tickets.

Sold-out na ang tickets para sa Saturday at iilan na lang ang available para sa Friday.

Kahit wa naman royal blood Karla feel na feel ang bansag na ‘Queen Mother’!

In fairness kay Karla Estrada, wala siyang violent reaction sa mga nang-iintriga sa kanyang anak na si Daniel Padilla at ka-loveteam na si Kathryn Bernardo dahil sa pag-e-endorse ng dalawa sa presidentiable na si Mar Roxas.

Nakikiusap pa nga si Karla na tigilan na ang hate.

Mukhang alam ni Karla na lalo lang maba-bash ang kanyang anak at si Kathryn kung magtataray pa siya sa mga basher.

May ibang nakapansin nga pala na mukhang enjoy si Karla sa tawag sa kanya ng fans ng “Queen Mother” kahit wala naman talaga siyang royal blood.

 

ACIRC

ANG

ANGELINE QUINTO

ANNA PUNO

ARNEL PINEDA

CACAI VELASQUEZ-MITRA

KARLA

LANI MISALUCHA

MARTIN

MARTIN HOME

QUEEN MOTHER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with